^

Punto Mo

Retirement age na mas mababa sa 65 years old, maari ba?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Pinagreretiro na po ako ng kompanya ko, pero 60 years old pa lang ako. Puwede ba akong piliting magretiro kung wala pa naman akong 65-anyos?—Larry

Dear Larry,

Nakasaad sa Labor Code na 60 years old ang optional retirement age samantalang 65 years old naman ang edad para sa compulsory o sapilitang pagre­retiro. Ang mga nabanggit ay applicable lamang kung walang sariling retirement plan ang kompanya. Kung mayroon naman, malaya ang employer na magtakda ng ibang edad para sa optional at compulsory retirement.

Ibig sabihin, maaring maging mas mababa sa 65 years old ang compulsory retirement age sa isang kompanya kung ito ang itinakda ng kanilang retirement plan.

Ngunit ayon sa Supreme Court sa kaso ng Laya v. Philippine Veterans Bank (850 SCRA 315, 341-342), upang maging saklaw ng retirement plan ang isang empleyado, kabilang na ang mga probisyon nito ukol sa edad para sa compulsory retirement, ay kailangang malinaw ang consent o pagpayag ng empleyado na siya ay maisailalim nito. Kailangang boluntaryo at walang pilitang nangyari sa kanyang naging pagpayag.

Ibig sabihin, hindi maaring pilitin ang isang empleyado na magretiro ng mas mababa sa 65 years old base sa retirement plan ng kompanya kung hindi naman siya pumayag na maisa­ilalim ng nasabing retirement plan.

Hindi mo nabanggit kung ano ang basehan ng pagpapa­retiro sa iyo ng kompanya mo. Kung base ito sa retirement plan ng kompanya at pumayag ka namang maging covered nito ay wala kang magagawa kundi sumunod sa nasabing retirement­ plan. Ngayon, kung (1) hindi ka naman pumayag na maging saklaw ng nasabing retirement plan, o (2) kung wala namang pro­bisyon ang nasabing retirement plan para sa compulsory retire­ment na mas mababa sa 65 years old, o kung (3) wala namang retirement plan ang kompanya, ay hindi ka nila maaring piliting magretiro sa edad mo ngayon. Kung ipipilit nila ang pagreretiro mo ay masasabing may illegal dismissal, na maaring­ maging basehan ng reklamo sa National Labor Relations Commission.

vuukle comment

RETIREMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with