^

Punto Mo

Hindi ako susuko (135)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

‘‘MARAMI ang gustong makakita sa orihinal na Sir Abe painting, Reagan. Kasi nga, base sa iniwang suicide note ni Thelma Jefferson, nagsisisi siya sa mga nagawa sa kanyang ama na si Abraham or Abe. Hindi raw siya pinatatahimik ng kanyang konsensiya. Kaya marami ang gustong makita ang painting,” pagkukuwento ni Boss Franklin.

“Kung ganun po Sir, posibleng dagsain ang iyong bahay dahil sa Sir Abe painting. Tiyak na marami ang gustong makita dahil nga sa nangyari kay Thelma Jeffferson.’’

“’Yan nga ang iniisip ko, Reagan. Kahapon, naisip ko, magpagawa sa bahay ko ng isang gallery. ‘Yung puwedeng pagdausan ng mga art exhibit.’’

“Puwede Sir. Maaari   mong parentahan ang gallery.’’

“Tama ka Reagan. Pero ang gusto ko sa ngayon kaya balak kong gumawa ng gallery ay para maidisplay ang Sir Abe painting at iba mo pang painting. Kasi kung marami ang maghahanap sa Sir Abe painting kaugnay sa ginawang pagpapakamatay ni Thelma Jefferson, maa-accommodate ko ang viewers. Kasi nahuhulaan ko, dadagsa ang gustong makita ang painting na mayroon palang kakaibang story behind.’’

“Sisikat ka po Sir. Mapapabalita ka rin po at baka mag-viral sa internet.’’

“Hindi lamang ako, Reagan. Pati ikaw! Siyempre hahanapin ang painter ng Sir Abe. Baka nga ikaw pa ang sumikat kaysa sa akin. Wala naman talaga akong papel sa Sir Abe, ako lang ang naging daan para makita iyon ni Thelma.’’

‘‘Posible po palang mahalungkat ang story ko – lalo na nang laitin ni Thelma Jefferson.’’

‘‘Puwede. Kasi’y sasaliksikin ‘yan ng press. Hindi yan titigilan kapag nalamang mayroon pang mas magandang story related sa father ni Thelma.’’

“Sana ay hindi na maha­lungkat Sir kasi dapat na siguro magwakas ang story ukol sa Sir Abe painting.’’

“Sabagay. Sana nga ay hindi na mahalungkat pa.’’

“Para matahimik na rin si Sir Abe ano Sir.’’

‘‘Oo.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

HINDI AKO SUSUKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with