^

Punto Mo

Hindi ako susuko (134)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“NABALITAAN ko nag-suicide siya. Uminom nang maraming sleeping pills !’’ sabi ni Bos-sing Franklin kay Reagan.

Hindi agad nakapagsalita si Reagan sa natanggap na balita. Patay na si Thelma.

‘‘Akala ko alam mo na   ang nangyari kay Thelma.’’

“Hindi pa po Sir. Kagagaling ko lang kasi sa bakasyon. Dalawang linggo po akong nawala. Magkasama po kami ni Hillary sa aming probinsiya.’’

“I see… oo nga pala. Nagpaalam ka nga pala sa akin.’’

‘‘Mayroon nga po akong ibibigay na painting na ginawa ko habang nasa bakasyon. Si Hillary po ang naging model ko. Modernong tanawin po sa bukid, Sir. Sana magustuhan mo Sir.’’

“Tiyak na magugustuhan ko dahil ikaw ang artist.’’

“Bukas ko po dadalhin dahil ipina-frame ko pa.’’

“Salamat Reagan. Teka mabalik tayo kay Thelma Jefferson. Pinag-uusapan nga ang nangyaring pagpapakamatay niya dahil may kasamang suicide note. Mukhang gumawa siya ng note bago lumaklak ng sleeping pills.’’

“Ano pong nilalaman ng suicide note?’’

‘‘Kinilabutan ako, Reagan dahil nabanggit sa suicide note ang tungkol sa Sir Abe painting.’’

‘‘Ano pong sinasabi ukol dun Sir.’’

“Nabigo raw siya na makuha ang kaisa-isang alaala ng kanyang ama at wala nang halaga para siya mabuhay. Malaki raw ang kasalanan niya sa kanyang ama. Nagsisisi raw siya sa mga nangyari...’’

Tumigil sa pagsasalita si Bossing.

At nagpatuloy sa pagsasalita.

‘‘Sa higaan niya, natag­puan ang photos ng Sir Abe painting. At palagay ko, ‘yung photos ay siya mismo ang kumuha nang makita niya ang painting sa aking bahay. Palihim niyang kinunan ng picture. Kaya nagva-viral ngayon sa FB ang Sir Abe painting…’’

(Itutuloy)

vuukle comment

HINDI AKO SUSUKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with