^

Punto Mo

Hindi ako susuko (133)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“OKEY na ba ang po-sing ko, Reagan?’’ tanong ni Hillary habang nakasandal sa mataas na talaksan ng dayami. Masayang-masaya su Hillary sapagkat ngayon lang siya nakaranas ng ganito. Mula sa pagkabata ay pawang sa siyudad na tanawin ang nakita niya. At kung hindi pa niya naging nobyo si Reagan ay hindi siya makakarating sa bukid at makakaranas ng ganito. Napakasarap palang humilata sa dayami kahit na magilik at makati sa balat.

‘‘Malapit nang matapos ito, Hillary. Kaunting tiis na lang.’’

“Okey lang ako, Reagan. Huwag kang mag-worry.’’

“Baka kinakati ka na sa dayami.’’

“Okey lang. Sige lang ang guhit mo para maide-talye mo.’’

“Okey.’’

“Mamaya gusto ko i-paint mo rin ako na nasa  sapa at naliligo, he-he-he!’’

“Topless o all the way?’’

“Ano ang pinakamaganda?’’

“All the way, he-he-he.’’

“Talaga? Payag akong mag-all the for the sake of art.’’

“Joke lang. Gusto ko sa pribadong kuwarto ka lang mag-aalis ng saplot at ako lang ang makakakita. Ako lang dapat at wala nang iba.’’

Nagtawa si Hillary.

“Okey Sir Reagan. Kung ‘yan ang gusto mo.’’

“Hindi kita ipi-paint na walang saplot. Gusto ko lagi kang desente sa mga makakakita.’’

Napangiti si Hillary sa sinabi ng nobyo.

Makaraan ang painting session sa dayami, sa sapa naman sila dumako. Pero hindi naliligo si Hillary kundi nakaupo lang sa malaking bato na nasa pampang.

Napakaganda ng pagka-ka-posing niya. At nakuha ni Reagan na parang totoong-totoo ang scene. Walang pagkakaiba.

Maraming naipinta si Reagan na ang model ay si Hillary.

Hanggang sa bumalik na sila sa Maynila.

Lahat nang painting niya ay ipinagmalaki niya sa kanyang bossing.

Hangang-hanga ang bos-sing sa mga ginawa ni Reagan. Binigyan ni Reagan ng isang painting si Bossing na lalong ikinatuwa nito.

ISANG umaga, may ibinalita si Bossing kay Reagan. Tungkol kay Thelma Jefferson.

“Nalaman mo na ang tungkol sa babaing nag-hestirikal dito nun – ‘yung gustong bilhin ang Sir Abe painting?’’

“Si Thelma po? Ano pong nangyari sa kanya?’’ (Itutuloy)

vuukle comment

HINDI AKO SUSUKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with