^

Punto Mo

Hindi ako susuko (132)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ITINURO ni Reagan kay Hillary ang dating kinatatayuan ng bahay ni Sir Abe na ngayon ay isa nang convenience store.

“Isang lumang bahay ang dating nakatayo diyan. Dalawang palapag ang bahay na ang mga bintana ay gawa sa capiz shells. Ang sahig sa second floor ay mga tablang narra. Napakakintab ng sahig. Apat na kuwarto ang nasa itaas. Sa ground floor naman ay malawak na sala at dining area. Sa salas nagpagawa ng mini-gallery si Sir Abe na ang mga naka-displey ay mga paintings ko na binili niya sa akin.’’

“A oo ikinuwento mo nga sa akin nun.’’

“Ipinagbili ng anak na ba-bae ang bahay at lupa sa ma-laking halaga. Pero ang masakit hindi hinatian ng babae ang dalawang kapatid na lalaki.’’

“Ang babae ay ’yung si Thelma na umapi at lumait-lait sa’yo?’’

‘‘Oo. Pero bago pinagbili e pinagsisira muna ang mga pain-tings sa gallery. Itinapon ang iba pa sa basurahan. Hanggang sa wala nang natira kahit isa.’’

“At ‘yun nga ang dahilan kaya niya gustong bilhin ang ginawa mong Sir Abe pain-ting, right?’’

“Yes! Alam mo na pala ang story Hillary.’’

“Natatandaan ko ang  mga sinabi mo Reagan. At isa pa ‘di ba siya nga ang nag-hestirikal sa opis natin?’’

“Yes! Tama ka.’’

Pinagmasdan muli ni Reagan ang dating site ng bahay ni Sir Abe. May lungkot siyang nadama. Kung hindi naging hidhid si Thelma Jefferson, sana isa ang bahay ni Sir Abe na mapapasama sa history ng bayan. Isa kasi sa pinakaluma ang bahay ni Sir Abe. Sayang! Naibulong ni Reagan.

KINABUKASAN, nag-painting session sina Reagan at Hillary. Kabukiran ang tema.

Pinag-pose ni Reagan si Hillary sa malaking tumpok ng inaning palay at saka niya iginuhit. Modernong tanawin ng isang babaing Pilipina habang nasa bukid. Pinagbutihan ni Reagan ang pagpipinta.

Kailangang maihatid niya ang tunay na tanawin sa bukid.

Natutuwa siya sapagkat mahusay mag-pose si Hil-lary na parang isang sikat na modelo. (Itutuloy)

 

vuukle comment

HINDI AKO SUSUKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with