^

Punto Mo

Michigan zoo, nanghihingi ng Christmas tree upang ipakain sa kambing

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NGAYONG tapos na ang Kapaskuhan, isang zoo sa Michigan ang nanghihingi ng mga nagamit at nakatakda nang itapon na mga Christmas trees.

Balak kasi ng Lewis Adventure Farm and Zoo na gawing pakain ang mga gamit nang Christmas tree sa mga alaga nilang kambing.

Nasa 40 ang mga alagang kambing ng zoo, at ayon sa kanila, matutuwa raw ang mga ito kapag may bagong klase ng pakain sa kanila.

Bagay raw na pakain ang mga Christmas tree sa mga kambing dahil hindi katulad ng ibang hayop ay kaya raw ng mga kambing na nguyain ang matigas at nakakatusok na dahon ng pine trees.

Natural din daw itong mapagkukunan ng vitamin C para sa mga kambing.

Dahil daw kakaiba at bagong klaseng pakain ang Christmas tree, sigurado raw mae-excite at mapapawi ang lungkot ng mga kambing na tumatamlay kapag panahon ng taglamig.

vuukle comment

ZOO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with