^

Punto Mo

Ang payo ng tigre

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MAY magkaibigang nagkukuwentuhan sa isang parke. Sa gitna ng pagkukuwentuhan ay narinig ni Kaibigan 1 ang ungol ng malaking tigre na papalapit sa kanila. Agad siyang nagtago sa itaas ng puno na nasa tabi ng kinauupuan nila. Nagtaka si Kaibigan 2 kung bakit biglang nagtatakbo ang kanyang kaibigan. Mahina kasi ang kanyang pandinig  kaya hindi niya narinig ang ungol ng tigre. Nang malapit na ang tigre ay saka lang naunawaan ni Kaibigan 2 ang dahilan ng pagtakbo ng kaibigan.

Naisip ni Kaibigan 2 na magpatay-patayan na lang siya dahil wala nang oras upang tumakbo. Baka kung tumakbo siya ay lalo lang manggigil ang tigre na patayin siya. Kung siya ay hihiga at magpapatay-patayan ay may pag-asang hindi siya mapansin dahil marami pa namang tao sa parke ang puwede niyang habulin.

Nagkaripasan nang takbo ang lahat ng tao sa parke kaya walang inabutang tao ang tigre maliban lang kay Kaibigan 2. Inamoy-amoy ng tigre si Kaibigan 2. Tinitigan. Para bang tinitiyak kung ang nakahandusay na tao ay totoong patay na. Choosy ang tigre at never siyang kumain ng patay. Maya-maya ay umalis ang tigre na hindi ginalaw si Kaibigan 2. Ang lahat ng pangyayari ay nakita ni Kaibigan 1 habang nakatago sa itaas ng puno. Nang bumaba siya sa puno ay tinanong niya si Kaibigan 2.

“Ano ang ibinulong sa iyo ng tigre habang ikaw ay nakahandusay?”

Akala pala ni Kaibigan 1 ay  bumubulong ang tigre kay Kaibigan 2 nang inaamoy ito. Napangisi si Kaibigan 2. Pagkakataon na para barahin ang kaibigang basta na lang nang-iwan sa kanya.

“Pinayuhan ako ng tigre na layuan ko na raw ang mga kaibigang nang-iiwan sa gitna ng panganib. Walang kuwenta raw ang mga taong ganoon.”

vuukle comment

TIGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with