^

Punto Mo

Kakaibang department store

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

YEAR 2050. Iba na ang galawan ng mga tao sa mundong ito. Nagbukas ang isang kakaibang department store sa New York City kung saan ang mga babae ay puwedeng bumili dito ng kanyang mapapangasawa. Yes, husband store. Hindi na problema sa panahong ito kung ang isang babae ay walang manliligaw pero gustong mag-asawa. May isang dalaga na 35 years old at no boyfriend since birth ang nais sumubok na bumili ng mapapangasawa.

Sa entrance pa lang ay may instruction nang mababasa. ISANG BESES KA LANG MAAARING PUMASOK SA TINDAHANG ITO. Walang second chance.

May 6 floors ang department store. Sa bawat floor ay  mababasa sa pintuan ang description ng mga lalaki. Bawal bumalik sa ibaba. Basta’t pataas ka dapat nang pataas. Kung may napili ang isang kostumer sa particular na floor, bawat floor ay may exit patungo sa cashier, bitbit ang boylet niyang napiling bilhin.

Floor 1: Bawat lalaki dito ay may trabaho at maka-Diyos.

Floor 2: May trabaho, maka-Diyos, mapagmahal sa mga bata.

Nag-isip ang babae. Napansin niya na habang tumataas ang floor, nadadagdagan ang good qualities ng mga lalaki. Kaya’t nagpasya siyang ipagpatuloy ang pagpanhik sa bawat floor.

Floor 3: May trabaho, maka-Diyos, mapagmahal sa bata, at extremely good looking.

Napa-wow ang babae. Sa isip niya, kung sa third floor pa lang, mukhang “yummy” na sila, gaano pa kaya ka-yummy ang nasa itaas na floor. Kaya nagpasya siyang ituloy ang pagpanhik.

Floor 4: May trabaho, maka-Diyos, mapagmahal sa bata, nakakahimatay ang kaguwapuhan at nakahandang tumulong sa gawaing bahay.

Floor 5: May trabaho, maka-Diyos, mapagmahal sa bata, mala-hollywood actors ang porma, nakahandang tumulong sa gawaing bahay at romantiko..

Nangatal ang babae sa sobrang excitement. Parang gusto na niyang pumasok sa fifth floor pero na-curious siya kung ano ang qualities ng mga nasa pinakahuling floor, or 6th floor. Siguradong super duper to the max ang mga lalaki doon. Tutal gagastos din lang siya ng malaki, e di doon na sa “pinaka” siya pipili ng mapapangasawa.

Dahan-dahan siyang umakyat pero nagulat ang babae sa nakapaskil sa pintuan ng 6th floor:

Floor 6 –Ikaw ang visitor no. 59,144,500 sa floor na ito. Wala pong lalaki dito. Inilagay lang namin ang 6th floor bilang pruweba na karamihan sa mga babae ay “impossible to please”. Thank you for shopping at the Husband Store. Ingat po sa pagbaba. Have a nice day.

vuukle comment

DEPARTMENT STORES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with