^

Punto Mo

Utang na loob

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ANG dalagang si Amisi ay estudyante sa unibersidad sa Egypt. Tuwing sasakay siya sa tren araw-araw ay hindi niya maiwasang maawa sa mga batang nagtitinda ng tissue sa mga mananakay ng tren. Sa umaga pagpasok niya sa school ay naroon na ang mga bata. Pag-uwi niya sa hapon, naroon pa rin sila. Kaya nahulaan ni Amisi na hindi nag-aaral ang mga ito.

Minsan ay namataan niyang nag-uumpukan sa isang tabi ang apat na mga batang nagtitinda ng tissue. Nilapitan niya ang mga ito at tinanong kung mga nagsisipag-aral. Ang sagot ay hindi dahil kailangan nilang maghanapbuhay.

“Marunong ba kayong magsulat?”

Umiling ang mga bata.

“Sino ang marunong magbasa?”

Walang sumagot. Ibig sabihin, wala rin marunong magbasa.

“Gusto ninyong matutong magbasa at magsulat?”

Tumango ang mga bata nang mga nakangiti.

Nang sumunod na araw ay may dalang papel at mga lapis si Amisi. Tinawag niya ang mga batang nakausap niya ng nagdaang araw. Noong una ay may limang bata na nagpapaturo sa kanyang sumulat ngunit nang tumagal ay isa na lang ang nagpakita ng interes. Ang kaisa-isang bata na natirang nagpaturong sumulat kay Amisi ay humiling na turuan din siyang magbasa.

Si Amisi ay naglalaan ng 20 minuto araw-araw pagkababa sa tren para turuang bumasa at sumulat ang batang tindero ng tissue sa tren. Naging panata niya iyon dahil minsan ay may estranghero na naawa sa kanyang magturong magbasa at magsulat habang nagtitinda ng kendi sa palengke.

Dahil sa natutuhan niya, naglakas loob siyang kumuha ng scholarship upang makapag-aral. Mahirap lang kasi sila at hindi siya kayang pag-aralin ng mga magulang. Nais niyang magbayad ng utang na loob sa magandang kapalaran na ibinigay sa kanya ng tadhana sa pamamagitan ng pagtuturo rin sa mga batang kapus-palad.

“When you learn, teach. When you get, give.” — Maya Angelou

vuukle comment

EGYPT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with