^

Punto Mo

Love story ng pasaway

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ANG binata ay pansamantalang naninirahan sa ibang bayan dahil naroon ang kanyang trabaho. Isang araw ay nagkaroon ng COVID-19 testing sa opisina. Pinayuhan ang lahat na mag-home quarantine habang hinihintay ang resulta. Nag-iisa lang ang binata sa kanyang inuupahang bahay kaya inip na inip ito. Tapos naalaala niyang birthday ng kanyang girlfriend sa ikatlong araw simula ng araw na iyon. Naisip niyang tumakas sandali. Nais niyang makapiling ang girlfriend sa kaarawan nito. Kapitbahay niya ang girlfriend doon sa kanilang bayan. Tutal 45 minuto lang tatakbuhin ng kanyang motorsiklo ang kanilang bayan, puwedeng-puwede siyang umuwi at bago mag-umaga kinabukasan ay makakabalik siya sa kanyang inuupahang bahay nang hindi malalaman ng opisina na umalis siya.

Nakalusot siya sa checkpoint ng kanilang bayan dahil ang company ID ang kanyang ipinakita kung saan nakasaad doon ang trabaho niya. Ang nature ng trabaho niya ay ka-level ng frontliners kaya pinalampas kaagad ito. Walang birthday party ang girlfriend. Basta’t nagkainan lang sila ng pansit at cake. Siya lang ang bisita. Masayang-masaya siyang nakabalik  sa inuupahang bahay nang walang nakapansin.

Pagkaraan ng dalawang araw, nakatanggap ng tawag ang binata mula sa opisina na may resulta na ng kanilang swab test. Tatlo raw ang naging positive at isa siya dito. Sinabihan ito na ihanda na ang mga personal niyang gamit  dahil dadaanan na siya ng ambulansiyang maghahatid sa kanila sa ospital.

Sumambulat ang katotohanan sa kanyang pamilya at pamilya ng kanyang girlfriend na symptomatic na siya o nadadama na niya ang sintomas ng sakit bago pa man mag-swab test. Kaya dapat ay pumirmi na siya sa bahay at hindi na tumakas hangga’t di alam ang resulta ng test.

Wala siyang nahawahan sa kanyang pamilya pero nahawa ang ama ng kanyang girlfriend. Tinawagan siya ng girlfriend. Minura siya at sinabihang huwag nang magpapakita pa sa kanya kahit kailan. Gumaling ang binata ngunit namatay ang ama ng girlfriend. Sa kasalukuyan, pinag-aaralan ng abogado ng girlfriend kung ano ang isasampang kaso sa binata para panagutin ito sa pagkamatay ng ama.

vuukle comment

LOVE STORY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with