^

Punto Mo

7-anyos na batang babae, nahulog mula 3rd floor, sinalo ng bus driver

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGING instant hero ang bus driver na si Stephen Bernard, 52, ng New York makaraang mailigtas niya sa kamatayan ang isang 7-taong gulang na batang babae na nahulog mula sa third floor ng isang apartment building.

Naglalakad pauwi si Stephen mula sa kanyang pinagtatrabahuhang bus company nang bigla niyang maispatan sa third floor ng Brooklyn building ang isang batang babae naglalaro at nagsasayaw sa ibabaw ng air conditioning unit.

Hanggang sa makita na lamang niya na nahuhulog na ang bata.

Walang sinayang na panahon si Stephen at mabilis na tumakbo para saluhin ang bata. Habang tumatakbo, ang sinasambit niya ay “Diyos ko, hayaan mo pong masalo ko ang bata. Please, please…”

Dininig ang dalangin ni Stephen at nasalo niya ang bata. Eksakto sa mga braso niya.

Ganunman, nabalian ng tendon si Stephen dahil sa pagsalo. Subalit ayon kay Stephen, balewala iyon sa kanya. Ang mahalaga nailigtas niya ang bata sa tiyak na kamatayan.

vuukle comment

BUS DRIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with