Health Tricks and Tips (Last Part)
Kung sensitive ang iyong ngipin o mabilis mangilo sa asim, lamig o init, huwag gumamit ng toothpaste na may tartar control or whitening toothpaste. Lalo lang nitong palalalain ang iyong problema sa ngipin.
Kung nagdurugo ang iyong dila, kumuha ka ng isang teabag, isawsaw sa mainit na tubig. Hayaang lumamig at idampi ang tea bag sa dila upang tumigil ang pagdurugo
Make love more often. At least twice a week. Nakakapagpahaba ng buhay ang sex dahil nagpapaginhawa ito ng pakiramdam at naisasaayos ang tibok ng puso.
Kung nagka-heartburn pero wala kang antacids sa bahay, uminom ka lang ng isang basong maligamgam na tubig. Huhugasan ng tubig ang acid sa loob ng iyong sikmura.
Iwasan ang madalas na paggamit ng panty liners. Nagi-ging dahilan ito ng painful vaginal irritation.
Sa mga kalalakihan, iwasang magbabad sa bath tub na may mainit na tubig dahil nagpapababa ito ng sperm count.
Huwag makipaghawakan ng kamay sa taong may sipon o ubo dahil sa kamay nakadikit ang germs.
Iwasan ang habit na nagmimiryenda kahit hindi nagugutom dahil ang epekto nito ay pagkawala ng tinatawag na “body’s natural hunger and satisfaction signals”. Kung wala na ang signal, lalong tatakaw ang isang tao sa pagkain na magdudulot ng sobrang katabaan, diabetes, sakit sa puso at iba pang seryosong kondisyon ng katawan.
- Latest


















