^

Punto Mo

Papayag ka ba?

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

… na ibigay mo ang iyong atay sa iyong ex?

NOONG Hulyo 2012 nagpasyang magdiborsiyo ang mag-asawang Su Dan (misis), edad 32, ng China at Tian Xinbing (mister), 39, pagkaraan ng 10 taong pagsasama. Pagsapit ng September nabalitaan ni Dan na na-diagnose si Xinbing na liver cancer at late stage cirrhosis. Dagdag pa rito, nakaabot din sa kanyang kaalaman na ang ex-husband niya ay pang-sampu pa sa donor waiting list. Sa kalagayan ni Xinbing, kailangan ang agarang transplant upang lumaki ang tsansang gumaling. Kahit pa nagnanaknak ang puso ni Misis dahil sa paghihiwalay na nangyari, hindi ito nagdalawang isip na ibigay ang kanyang atay sa dating asawa.

Sa unang interbyu kay Misis ng ethics review committee ng ospital, na-disqualified siya dahil pinaghinalaan siyang magpapabayad sa kanyang ibibigay na liver. Nag-imbestiga ang ospital na pera at negosyo ang dahilan ng matinding away ng mag-asawa kaya nagdiborsiyo. Ngunit pinabulaan ito ni Misis at sinabing pagmamahal sa dating mister ang nagtulak sa kanya na tulungan ito.

Sa China, may batas sila na blood relatives lamang at asawa ang eligible na mag-donate ng living organ donation. Doon sa pinipilahan ni Xinbing, ang organ na pinipilahan niya ay mula sa mga healthy individual na namatay dahil sa aksidente at pumayag ang pamilya na i-donate ang organs nito sa mga nangangailangan.

Pang-sampu siya sa pila kaya walang katiyakan kung kailan mangyayari ang liver transplant. Upang maging eligible donor si Dan, kailangang magpakasal ulit sila. Dali-daling isinagawa ang kasalan matapos mapaniwala ang ethics committee na pagmamahal at hindi pera ang dahilan ng kanyang donation. Naging matagumpay ang operasyon. Simula noon ay hindi na nagpa-interbyu ang pamilya at nakiusap na kailangan nila ang privacy.

               

vuukle comment

PAPAYAG KA BA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with