^

Punto Mo

Sweet karma

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MAGLILIMANG taon nang girlfriend ni Rommel si Trina. Pareho silang may magandang trabaho kaya naisip ni Rommel na mag-propose na kay Trina at itataon niya ito sa kanilang 5th anniversary. Pasikreto siyang bumili ng singsing. Sa mismong araw ng anniversary ay sinundo niya ang girlfriend sa opisina nito para dalhin sa  restaurant ng isang five-star hotel kung saan siya nagpa-reserved.

Pero may mali nang araw na iyon. Damang-dama iyon ni Rommel. Walang kalatoy-latoy si Trina habang kumakain sila sa restaurant. Parang napilitan lang itong sumama. Tapos nang ilabas niya ang ring para mag-propose ay nagsalita ang babae:

“Huwag mo nang ituloy please. I’m sorry but my answer is NO. Hindi pa ako handa. Bigyan mo muna ako ng panahong makapag-isip.”

Parang binuhusan ng malamig na tubig na puno ng yelo ang katawan ni Rommel. Nanlambot ang kanyang mga kalamnan. Parang hindi niya kayang tumayo sa pagkakaupo. Hindi siya iyakin pero sa sobrang sakit ng mga nakakabiglang kaganapan, gusto niyang umiyak nang mga sandaling iyon… sa balikat ng kanyang ina. Kung mamamadyik lang niya ang kanyang ina na biglang lumitaw sa kanyang tabi, ginawa na sana niya. Balikat ng nanay ang pinakamasarap iyakan. Nakakagaan ito ng kalooban.

“I’m sorry Rommel. Huwag muna tayong magkita…for a month  para hindi ako ma-pressure sa pagbuo ng aking desisyon”.

Tulala si Rommel kaya hindi na niya napigilan ang girlfriend na umunang umalis sa restaurant. Naging malinaw sa kanya ang lahat nang isang common friend ang nagbulong sa kanya na dalawa pala silang sabay na bino-boyfriend ni Trina. Kasama sa trabaho ang ikalawa nitong boyfriend at isang taon na raw itong nagtataksil sa kanya.

Tinawagan na lang ni Rommel si Trina at sinabi nitong alam na niya ang katotohanan kaya ibinibigay na niya ang kalayaang ipagpatuloy nito ang pakikipagrelasyon sa ikalawang boyfriend.

Nang magtagal, nakarating sa kaalaman ni Rommel na hindi rin pala nagtagal ang relasyon ni Trina sa kaopisina dahil nabisto ng boyfriend na dalawa pala silang pinagsabay nito. Sabi pa raw ng lalaki: Kung nagawa mong pagtaksilan ang lalaking limang taong nagmahal sa iyo, sa akin pa kaya na isang taon mo pa lang nakakarelasyon?

That was 3 years ago. May nakilala ulit na lalaki si Trina at iyon ang kanyang naging asawa. Pero maliit talaga ang mundo. Naging officemate ni Rommel ang mister nito na kalat na kalat sa kanilang department na may relasyon sa isa nilang tisay na officemate. He-he-he. Pasikretong ngisi ni Rommel. O, napaka-thoughtful naman ng universe sa kanya,  “ipinapanood” pa sa kanya ang masakit na pinagdadaanan ng kanyang ex-girfriend. Sweet karma!

vuukle comment

SWEET KARMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with