^

Punto Mo

Aksidente sa lansangan, tumataas pa ang bilang!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sunud-sunod na naman ang nagaganap na mga aksidente sa lansangan, hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa mga lalawigan sa buong kapuluan.

Ang masakit dito, marami na namang buhay ang nabuwis dahil sa mga trahedya sa daan.

Kamakalawa lamang, sampu ang nasawi nang mahulog sa bangin ang isang pampasaherong jeep sa  Libon, Albay.

Gaya nang dati nawalan daw ng preno ang jeep na hindi na nakontrol  ng driver kaya tuluyang bumulusok pababa.

Sa mga isinagawang pag-aaral, umaabot sa mahigit 70 o mas mataas pa sa kasalukuyan ang  nagaganap na aksidente sa kalsada na naitatala araw-araw sa Metro Manila lamang at ang pangunahing dahilan  human error.

Sa tala ng MMDA noon lamang nakalipas na taon umabot sa mahigit sa 100 libo ang naitalang vehicular accidents.

Ang lungsod ng Quezon at Maynila ang nangunguna sa may mataas na bilang ng road accidents.

Sa mga sasakyan naman, nangunguna sa madalas na masangkot sa aksidente ang  motorsiklo. Ito rin ang may mataas na bilang ng mga nasugatan sa mga insidente.

Bukod sa human error, sinasabing isa pa sa pangunahing dahilan ng aksidente sa daan  ay ang mga pasaway na driver na kahit na nakainom ay tuloy pa rin sa  pagmamaneho sa lansangan. Isama pa rito ang pagmamananeho habang gumagamit ng mga gadgets.

Madalas ding dahilan sa road accidents ay ang hindi maayos na kondisyon nang minamanehong sasakyan.

Marami pa nga lalu na sa mga pampublikong sasakyan, na talaga namang luma na at panganib na sa daan.

Sa lahat ng ito,  dapat na kumilos at umisip ng paraan ang mga kinauukulan, para ito matugunan para man lang mabawasan ang mataas na bilang ng aksidente sa lansangan.

vuukle comment

BILANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with