^

Punto Mo

‘Wag puro pangako, dapat kilos pronto!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SUKI na sa amin ang mga tigas-ulong recruitment agencies na walang ginawa kundi tumunganga. Na ang alam lang gawin ay kumubra ng pera at pagnagkaproblema ang aplikante ay hugas kamay at dedma na.

Mga boss, sa tagal ko na sa serbisyo publiko,  may tatlong klase ng mga inirereklamo. Uriin natin sila-isa.

Una, bitag na lumulusot pa. Pilit na pinagtatanggol ang sarili at ayaw umamin ng kanilang pagkakamali at baluktot na pa­ngangatwiran. Bistado na nga ang kabalastugan, nagmamatigas pa – eto ‘yung mga paborito kong durugin.

Pangalawa, maayos kausap at handang makipagtulungan. Siya/Sila ‘yung dapa na dahil marunong tumanggap ng pagkakamali at nais isaayos ang problema. Saludo ako sa mga ito.

Pangatlo, maamong tupa kuno pero demonyo naman talaga ang loob.  Eto ‘yung dadaanin kami sa mabulaklak na pagsasalita, matatamis na pangako at susubukang pakagatin ang BITAG sa kanilang mga paeklay at kasinungalingan.

Hindi ko kailangan ng kung anu-anong pautot o dokumento. Resulta at solusyon ang kailangan namin sa Kilos Pronto kaya hindi n’yo kami matsu-tsubibo.

Tulad nitong HMO International Human Resources, maayos makipag-usap sa telepono. Sinagot ang reklamo ng mga OFW na kanilang pinaalis pa-Saudi Arabia na.

Sa ere, nalugi raw kasi ang employer o kumpanyang napasukan ng mga OFW, may assistance naman daw ng Arabong lawyer doon sa Saudi para makuha ang kanilang isang taong sahod na di-nabayaran. Sa unang tingin, akala mo talagang tinutulungan ang mga pobre roon sa Saudi na higit nang 6 na buwang expired ang iqama.

Ang siste, habang nasa live broadcast ang BITAG Kilos Pronto ay nanonood ang mga nagrereklamong OFW sa aming Youtube channel. Sabay-sabay na nagko-comment sa aming live chat para maiparating ang kanilang sitwasyon

Nagsisinungaling lang daw ang agency sa pagtulong kuno sa kanila na mapauwi sa Pinas. Matagal na raw alam ng agency ang kalagayan nila pero walang ginagawang aksyon ang putok sa buhong HMO International Human Resources.

Hulog sa BITAG! Lulusot pa kayo diyan sa HMO ha. Isa lang naman ang gusto ng mga OFW na matagal nang nakatengga sa Saudi at wala namang sinasahod, makauwi na.

Kaya ‘wag n’yo nang piliting hanapan ng bagong employer para magtrabaho, sabi na rin ng OWWA ‘yan. Tulungan n’yo ng makapag-ayos ng mga dokumento para makauwi na!

Binisita namin kayo diyan sa HMO, imbes na makipagtulungan kayo at makipag-usap nang maayos tinatakot n’yo pa kaming sampahan ng trespassing? Utot niyong blue! Kumilos na lang kayo!

Hindi kami nagpapakampante sa mga ganitong klase ng pagmamatigas lalo sa pangatlong klase ng nagrereklamo. Hangga’t hindi nakikita ng aming mga mata ang resulta ng inyong pangako, hindi kayo titigilan ng Bitag at Kilos Pronto.

Puwedeng magsinungaling, pero hindi makakaligtas sa amin ang katotohanan. Puwedeng magtago pero hindi kayo makatatakbo. Kasi pag kami ang nagtrabaho, siguradong mahuhulog kayo sa BITAG!

vuukle comment

SERBISYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with