^

Punto Mo

Kaibigan

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MAY magkaibigang sobra sa magkapatid ang magandang relasyon, sina Albrecht Durer at Franz Knigstein. Pareho silang struggling artist. Nagtatrabaho sila habang nag-aaral ng fine arts. Palibhasa’y sa construction lang nagtatrabaho, halos lupaypay na sila sa kapaguran bago pumasok sa school. Pakiramdam tuloy nila ay malabo ang pag-asa na matapos nila ang kurso.

May naisip na paraan ang magkaibigan upang matupad ang kanilang pangarap: ang isa ay hihinto sa pag-aaral at magtatrabaho at isa naman ang magpapatuloy sa pag-aaral. Kung sino ang magtatrabaho ay siya ang magbabayad ng tuition ng magpapatuloy sa pag-aaral.

Nagbunutan ang dalawa kung sino ang mag-aaral. Si Albrecht ang mag-aaral at si Franz ang magtatrabaho. Kapag naka-graduate at nakapagtrabaho na ang una ay siya naman ang magpapaaral kay Franz.

Ngunit hindi na natupad ang pag-aaral ni Franz kahit pa graduate at may trabaho na si Albrecht. Sa sobrang bigat ng mga trabahong pinagdaanan ay nagkasakit si Franz kung saan nanigas at nagbaluktutan ang mga daliri nito. Isang araw ay nadatnan ni Albrecht na malakas na nagdadasal ang kaibigan.

Ipinakikiusap nito sa Diyos na tulungan si Albrecht na matamo ang tagumpay. Habang nagdadasal si Franz ay magkadaop ang mga palad nito at naging kapansin-pansin ang mga daliring nakabaluktot. Tinitigan ni Albrecht ang mga baluktot na daliri na naging simbulo ng tunay na pagmamahal ng isang kaibigan.

Napaluha si Albrecht sa tanawing ‘yun. Hindi maalis sa isip ni Albrecht ang mga baluktot na daliri ng kaibigan. Isang araw ay ipininta niya ang mga iyon. Nang matapos ay pinamagatan niya ang kanyang obra na The Praying Hands.

Ngayon ay madalas na makikita sa mga art galleries sa Europe ang obra maestrang The Praying Hands ni Albrecht Durer na naging simbolo ng pagmamahal at pagsasakripisyo ng isang dakilang kaibigan.

ALBRECHT DURER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with