^

Punto Mo

Nasa langit na po ba si Papa?

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NOONG Abril 15, 2018, nagsagawa si Pope Francis ng pastoral visit sa St. Paul of the Cross parish na matatagpuan sa labas ng lungsod ng Rome. Nagkaroon si Pope Francis ng question-and-answer session sa mga batang parishioners. Nasa stage si Pope Francis. Ang mga batang magtatanong kay Pope ay nasa ibaba ng stage.

Ang magtatanong ay tatayo at lalapit sa microphone. Isang batang lalaki na ang edad ay hindi bababa sa 10 taon ang tumayo. Nagpakilala ang bata na ang pangalan ay Emanuele. Nahalata ng Pope na nahihiya ang bata kaya sinabi nito na ibulong na lang sa kanya ang tanong. Niyakap ni Pope Francis ang bata habang bumubulong ito sa kanya.

Pagkatapos ibulong ni Emanuele ang kanyang katanungan ay napaiyak ito. Bumalik ito sa kanyang upuan habang nakatakip ang kanyang kamay sa mata. Nag-iiyak pa rin siya kaya minabuti niyang takpan ng kamay ang kanyang mga mata. Nagsimula nang magsalita sa microphone si Pope Francis:

Pinayagan ako ni Emanuele na sabihin ko sa inyo ang kanyang katanungan. Ang sabi niya: Kamamatay lang po ang aking ama. Atheist po siya ngunit isa siyang mabuting tao. Pinabinyagan po niya kaming magkakapatid sa Simbahang Katolika. Nasa langit na po ba si Papa?

Kailan lang ay pumanaw ang ama ni Emanuele. Mahal na mahal niya ang kanyang ama at nag-aalala siya kung sa langit ba ito napapunta  dahil hindi ito naniniwala na may Diyos. Ang sagot ko ay OO, nasa langit ang iyong ama dahil mabuti siyang tao.

Kapag sinabi ng isang anak na mabuting tao ang kanyang ama, iyon ay walang pasubali na totoo ang kanyang sinasabi. Dagdag pa rito, kahit hindi siya naniniwala na may Diyos, pinabinyagan pa rin niya ang lahat ng kanyang anak. At iyon ay palatandaan na siya ay may mabuting puso.

vuukle comment

POPE FRANCIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with