^

Punto Mo

Buong baybayin ng great britain, nilangoy ng 33-anyos na lalaki

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MATAPOS ang 157 araw sa dagat ay umahon na rin mula sa karagatan ang 33-anyos na si Ross Edgley matapos niyang languyin ang buong baybayin ng mainland Great Britain.

Sinimulan ni Ross Edgley ang kanyang 2,882-kilometrong paglangoy noong June 1 sa Margate, na isang bayan sa southeast England na malapit sa dagat.

Nito lamang nakaraang Linggo ay umahon siya sa kaparehong lugar kung saan sinalubong siya ng nasa 300 katao na sumabay sa kanya sa huling kilometro ng kanyang makasaysayang paglangoy.

Hindi ininda ni Edgley ang malalakas na alon, mga kagat ng jellyfish, ang panganib mula sa mga umaaligid-aligid na pating at ang nagyeyelong tubig na kanyang mga hinarap sa limang buwan niyang paglangoy.

Sa panahong iyon ay ni-hindi siya nakatapak sa lupa kahit isang beses at sa halip ay nagpapahinga siya sa isang support boat sa pagitan ng bawat paglangoy niya na tumatagal ng anim na oras.

Dahil sa tagal ng pamamalagi niya sa tubig ay naranasan niya ang kondisyon na kung tawagin ay “salt mouth” na na­ging sanhi ng pagkatanggal ng piraso ng kanyang dila dahil sa naipong asin mula sa kanyang walang tigil na paglangoy.

Hindi naman ito naging hadlang kay Edgley para tapusin niya ang kanyang paglalakbay at makumpleto ang kauna-unahang paglangoy sa buong baybayin ng Great Britain.

Noong Agosto ay kinilala na rin si Edgley bilang isang world record holder dahil noong mga panahong iyon ay 74 araw na siyang lumalangoy na bagong world record para sa pinakamatagal na paglangoy.

vuukle comment

ROSS EDGLEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with