^

Punto Mo

Matandang Tinali (185)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“IREREPORT ko na sa PDEA ang tungkol kay Joemari,” sabi ni Dong. “Hindi tayo dapat magpatumpik-tumpik dahil palagay ko, nagdududa na siya kay Dolfo.’’

“’Yan nga po ang naiisip ko Sir Dong. Sabi po kasi ni Joemari, bumalik agad ako para ireport ang tungkol sa inyo.’’

“Hindi kaya sa mga oras na ito ay nag-iisip na nang masama sa’yo si Joemari?’’

“Posible po Sir Dong.’’

Nangamba si Joy. Bumabalik sa kanyang alaala ang mga ginawa sa kanya ni Joemari.

“Diyos ko, anong gagawin natin Dong.’’

“Huwag kang matakot, Joy. Ako ang bahala. Habang narito ako, hindi ka maaano.’’

“Gusto ko lagi kang kasama, Dong.’’

“Oo Joy.’’

“Ireport na natin sa PDEA si Joemari para mahuli na,’’ sabi ni Joy.

“Mabuti pa magtungo na kayo sa bayan ngayon din para maireport ang drug trafficker na iyon,” payo ni Manong Naldo.

“Opo Manong. Aalis na po kami ni Joy. Pero paano kayo ni Dolfo?’’

“Sa bahay ko muna si Dolfo. Safe siya roon. Kapag naireport na sa PDEA, saka naman kami susunod sa inyo sa bayan. I-text mo na lang sa akin, Dong.’’

“Sige po, Manong aalis na po kami.’’

“Mag-ingat kayo, Dong, Joy.’’

NANG mga sandaling iyon, masama na ang iniisip ng drug trafficker na si Joemari. Naghihinala na siya kay Dolfo. Bakit hindi pa ito bumabalik para magreport sa kanya. Mukhang tinraidor siya ni Dolfo. Napa-putang-ina siya!

Kailangang malaman niya kung nasaan na si Dolfo.

Tinawag niya ang tauhan na si Dragon.

“Sundan mo si Dolfo sa farm ni Joy. Kailangang makita mo siya. Huwag kang babalik hanggang hin-di siya nakikita.”

“Opo Bossing!”

(Itutuloy)

vuukle comment

MATANDANG TINALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with