^

Punto Mo

Tinedyer nagiging malilimutin sa smartphone?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

ANG scientist at Swiss radiation expert na si Martin Roosli ay nagbabala na ang radiation na nagmumula sa mga smartphone ay maaaring maging dahilan para maging malilimutin ang mga tinedyer.

 Sinabi pa niya na ang isang taong pagkakababad sa naturang radiation ay sapat na para makapaminsala sa bahagi ng utak na nagbibigay ng interpretasyon sa mga imahe at hugis. Mas higit umanong apektado rito ang mga kabataang right-handed.

Ayon sa isang ulat, pinag-aralan ni Roosli ang mga  phone habit ng may 700 kabataan na nasa pagitan ng edad na 12 hanggang 17 anyos bago isinagawa ang memory test sa mga ito.  Lumabas sa pag-aaral na nalathala sa Environment Health Perspectives na merong kaugnayan ang poor memory performance sa exposure sa RG-EMF radiation.

Sinasabi pa sa pag-aaral na maaaring meron itong epekto sa pagpapadala ng mga text message, paglalaro ng mobile games at pag-browse sa internet. Higit na namemeligro rito ang mga tinedyer na right-handed.

Ipinahiwatig ni Roosli na ang RG-EMF radiation na nasasagap ng utak ay responsable sa naoobserbahang pagkawala ng memorya o memory loss. 

Gayunman, ipinapayo niya na maaaring mabawasan ang peligro sa utak kung gagamit ng headphone o loadspeaker kapag may kausap sa smartphone (ang tinatawagan o ang tumatawag) at kung mababa ang network quality at nagpa-function ang telepono sa maximum power.  Hindi pa naman anya malinaw kung paanong naaapektuhan ng RF-EMF ang proseso ng utak o kung hanggang kailan makabuluhan ang pag-aaral na ito.

Halimbawa anya, ang resulta ng pag-aaral ay maaaring naapektuhan ng puberty at ng cognitive at behavioral state ng mga sinaklaw ng pag-aaral.

 

 

vuukle comment

SMARTPHONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with