^

Punto Mo

6 na pakinabang sa cornstarch

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

…bukod sa sangkap sa pagluluto

Lagyan ng cornstarch ang damit na namantsahan ng mantika. Hayaang nakababad ito ng 12 hours. Tanggalin ang cornstarch. Labhan ang damit.

Paghaluin ang cornstarch at tubig hanggang maging paste. Ito ang ipanglinis sa silver utensils or jewelries.

Budburan ng cornstarch ang leather (shoes, furniture) na namantsahan ng mantika. Hayaang nakababad ng buong magdamag. Ipagpag ang cornstarch at punasan ng tuyo at malinis na cotton cloth.

Matapos mag-polished ng wood furniture, budburan ito ng cornstarch. Punasan ng tuyo at malinis na cotton cloth upang lalong kumintab.

Mainam na pantanggal ng soap scum sa bathroom tiles: Pinaghalong 1 cup vinegar, 1 tablespoon corn starch, at 2 tablespoons dish detergent.  

Pantanggal ng mold and mildew stains sa puting damit. Lagyan ng mga sumusunod na mixture ang area ng damit  na may mantsa: Paghaluin ang 1 teaspoon cornstarch, 1 tablespoon baking soda, 1 teaspoon lemon juice, at 1/4 cup of water. Hayaang nakababad ang damit sa mixture. Labhan.

CORNSTARCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with