^

Punto Mo

Babala sa mga cargo company

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KAHIT malayo sa pamilya, hindi nakakalimot ang mga OFW sa mga naiwang mahal sa buhay sa bansa. Kaya sa tuwing magkakaroon ng ekstrang pera, pinipilit nilang makapagpadala ng mga simpleng pasalubong para sa kanila. Isa rin itong paraan para kahit papaano ay mabawasan ang kanilang pangungulila.

Pero paano na lang kung ang ipinadalang cargo, hindi makara-ting sa pinagpadalhan mo? ‘Yan ang reklamong natanggap namin sa Kilos Pronto. Ipinadala kasing bagahe ng OFW mula Qatar, naunahan pa niyang makarating sa bansa.

Kuwento ng OFW, nagtiwala siya sa Makati Express Cargo sa pangakong pito hanggang 10 araw lang ay makakarating na ang bagahe na kanyang ipinadala. Problema, ilang linggo na ang nakalipas, ang bagahe wala pa! Nakarating na siya sa bansa, wala pa rin ang pinadala para sa pamilya.

Palusot ng mga putok sa buho, wala raw tao sa bahay ng ideliver nila ang bagahe. Huwag n’yo nga kaming gawing tanga, hindi nga sila umalis dahil hinihintay kayo. Isa pa, di ba kayo marunong gumamit ng telepono? Di n’yo man lang tinawagan ang kliyente n’yo.

Dahil dito, agad nakipag-ugnayan ang OFW sa Makati Express Cargo. Problema, lumipat na pala ng opisina ang mga loko. Mula sa Makati napadpad sila sa Cavite! Anak ka ng tokwa, sana pinalitan n’yo na rin ang inyong pangalan. Paano kayo naging Makati Express Cargo kung nasa Cavite ang opisina niyo, aber?

Sa pangamba na hindi makuha ang ipinadala, lumapit na sa Kilos Pronto ang OFW. Agad naming tinawagan ang inirereklamong kompanya upang makuha ang kanilang panig. Nung una, ayaw pa nilang umamin sa pagkakamali. Pero biglang nagbago ang ihip ng hangin matapos malamang nakikinig sa usapan ang DTI.

Nabahag ang buntot at biglang kumambyo ang loko-loko. Paliwanag nila, na-reschedule lang daw ang pagpapadala ng bagahe sa pamilya. Pero dahil Kilos Pronto ang aming programa, hindi kami kuntento sa pangako n’yo! Sasamahan namin sa opisina n;yo mismo ang nagrereklamo para makuha kung ano ang para sa kanya.

Para naman sa mga OFW, mag-ingat sa pagkakatiwalaang cargo. Naglipana na ang mga manloloko, yung iba nga ninanakaw pa ang laman ng padala. ‘Yung iba naman, naglalaho na lang na parang bula. Bago magtiwala, siguraduhing lehitimo ang cargo company na pagpapadalhan para walang pagsisihan.

Sa mga cargo company naman diyan na mapanlamang sa kapwa, ayusin ang trabaho n’yo! Dahil pag nakaabot sa amin ang kalokohan niyo, siguradong sarado ang inyong mga negosyo.

vuukle comment

CARGO COMPANY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with