^

Punto Mo

‘Why oh why De-Leila’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

MAY kilalang psychiatrist na nagsulat na “May mga babaeng mas naaakit sa mga tauhan nila na higit na mas mababa ang posisyon sa opisina o katayuan sa buhay.”

Baka naman ganito ang nangyari kay Senator Leila De Lima at kung titingnan mo naman si Ronnie Dayan siya’y matangkad, matipuno at parati niyang kasama.

Kung napanood niyo ang pelikulang The Bodyguard ni Whitney Houston at Kevin Costner. Si Whitney ay isang sikat na tv/movie celebrity at si Kevin Costner naman ay isang professional bodyguard. Nagkagustuhan ang dalawa at nagkarelasyon.

Ang kwento ni Senator De Lima ay maaaring ihambing sa pangyayaring ito.

Tumagal ng ilang taon ito ang inamin ni Sen. De Lima tungkol sa relasyon nila ng kanyang bodyguard/driver na si Ronnie Dayan.

Sa isang programa ni Winnie Monsod ay doon niya isiniwalat ang katotohanan tungkol sa relasyon nila.

Tinanong din siya kung bakit sa isang driver/bodyguard at ang sagot niya ay kahinaan daw ng isang babae. Naging malapit silang dalawa at pinagkatiwalaan niya itong si Dayan.

Tinulungan niya daw sa pinansyal si Dayan pero hindi naman umabot sa punto na ipinagpatayo niya ito ng bahay.

Kahit na umamin sa kanilang relasyon itinanggi naman niya na may kinalaman sila sa iligal na droga.

Matatandaang pinaghahanap si Dayan dahil sa pagkakasangkot nito tungkol sa illegal drug trade.

Disbarment case naman ang isa sa kahaharapin ni De Lima sa pag-amin niyang ito.

Ayon kay Integrated Bar of the Philippines (IBP) director Ramon Esguerra sa opinyon na din ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ay nasuportahan ang alegasyon ng imoralidad laban kay De Lima.

Mariin namang sinabi ni De Lima na malinis ang kanyang record bilang isang ‘public servant’ hanggang sa nagsilabasan ang mga umano’y mapanira at gawa-gawang akusasyon laban sa kanya.

May nilabag na batas ang relasyon ni De Lima at Dayan. Dahil isa siyang public servant maaari siyang ihabla ng gross immorality at violation of the Lawyers Oath and the Code of Professional Responsibility.

Ang pinakamabigat ay ang adultery dahil hindi pa napapawalang bisa ang kasal ni Dayan sa kanyang asawa kahit na ‘annulled’ na ang kasal ni Sen. De Lima.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment

LEILA DELIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with