^

Punto Mo

EDITORYAL - Linisin sa ‘scalawags’ ang PNP

Pang-masa
EDITORYAL - Linisin sa ‘scalawags’ ang PNP

IPINAGTATANGGOL ni President Rodrigo Duterte ang mga pulis. Mahal niya ang mga ito. Nang mahalal siya noong Mayo, ipinangako niyang itataas ang suweldo ng mga pulis ganundin ang mga suweldo ng sundalo. Kasunod niyon ay ang walang kapaguran niyang pagtungo sa mga kampo at headquarters ng mga sundalo at pulis. Inuulit niya ang pangakong pagtataas ng suweldo sa mga ito. Bukod sa pagbibigay ng karagdagang suweldo, binigyan din niya ng Glock pistol ang mga pulis bilang service firearm. Ito raw ay para magamit ng mga pulis laban sa mga criminal. Dehado raw ang mga pulis sapagkat mas marami ang criminal at sopistikado ang baril ng mga ito.

Ang isa sa lalo pang nagpalakas sa morale ng mga pulis ay nang sabihin ni Duterte na sagot niya ang mga pulis na kakasuhan na may kaugnayan sa trabaho nito. Mula nang ilunsad ang kampanya laban sa illegal na droga, maraming pulis ang inaakusahan na luma­bag sa karapatang pantao. May mga sangkot umano sa extra-judicial killings. Pero sabi ng Presidente, sagot niya ang mga pulis. Ipagtatanggol niya ang mga pulis anuman ang ikaso sa mga ito na may kaugnayan sa kanilang trabaho bilang alagad ng batas. Subalit sa kabila na sinusuportahan ni Duterte ang mga pulis, marami pa rin sa mga ito ang “bugok’’. Hindi na nila binigyang-halaga ang “pagmamahal” ng Presidente.

Halimbawa na lamang ay ang apat na pulis mula sa Quezon City Police District (QCPD) na inakusahang nagnakaw ng P31,000 sa isang motorista. Ayon sa biktima, hinarang siya ng mga pulis sa Commonwealth Avenue at pinababa siya. Hinalughog ang kanyang sasakyan. Nakitaan siya ng itak sa compartment. Tinakot siya na makukulong ng 12 taon dahil sa itak. Hiningan siya ng pera at pinaalis na. Pero nadiskubre niya na ninakaw pala ng apat na pulis ang kanyang P31,000 na pambayad sa ospital para sa panganganak ng kanyang misis. Sinampahan niya ng kaso ang mga pulis na sina: PO2 Teodoro Morales, PO2 Drazen Calix Banatao, PO1 Juan de Asis Jr., at PO1 Philip John Laylo, na mga nakatalaga sa Tactical Motorized Unit ng QCPD, sa Camp Karingal.

Maigting ang kampanya ng PNP sa illegal na droga. Sana maging maigting din sila laban sa mga “scalawags” at “bugok” na miyembro nila.

SCALAWAGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with