^

Punto Mo

Dagdag saya sa pamilya

ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit - Pang-masa

Dalwa ang nadagdag sa aming pamilya

at ang dalwang ito ay nagpapasaya;

Ang isa ay aso ang isa ay pusa

ang una’y si Choco na asong maganda!

 

Ang pusa’y si Sandy na pasampa-sampa

sa mga upuan at maging sa kama;

Ang pahaplus-haplos sa may ulo niya

siya natutuwa, nakikibarkada!

 

Kinakandong pa siya ng apo kung bunso

saka nilalaro’t kami’y nakikianyo

Kami’y gumagaya at naglalaro;

sa loob ng bahay di na lumalayo!

vuukle comment

PRESIDENT AQUINO

TRO'S

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with