^

Punto Mo

‘Naglalahong tribu’ (Badjao)

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KALAT na sa kalakhang Maynila ang mga Badjao. Tribung tubong Sulu sa Mindanao na unti-unti nang naglalaho.

 Pangingisda ang kanilang ikinabubuhay. Subalit, ngayon, mas pinili na nilang makipagsapalaran na lang sa sentro para mabuhay.

 Sa mga lansangan, makikitang naglilimos ang grupo ng mga batang Badjao bitbit ang kanilang ginawang mga latang tambol. Nag-aabot ng mga sobre sa mga pasahero ng dyip na kanilang sinasabitan.

 Namataan namin sila sa bahagi ng North Avenue at Mindanao Avenue sa Quezon City sa pagitan ng dalawang nagla­lakihang mall. Kanya-kanya silang takbuhan para mamasko.

 Hindi magugulo ang mga batang Badjao na nagkakaroling. Hindi tulad ng ibang mga batang palaboy sa lansangan, bayolente. Ang gusto lang nila, kumita para may malaman sa kanilang nangangalam na sikmura.

 Sa ilang araw na pagtutok ng BITAG Investigative team sa mga batang Badjao, kaguluhan daw sa Mindanao ang dahilan kung bakit napilitang umalis at lumuwas na lang sa Maynila ang marami sa kanila.

 Maraming beses na rin daw silang nakaranas ng mga pananakit at pang-aabuso ng mga hindi nila ka-tribu habang nagtatambol.

 Nakaranas din daw sila ng pang-aabuso ng ilang mga tiwaling pulis at traffic enforcer na pilit inaagaw at ibinubulsa ang kanilang mga naiipong barya.  

 Marami nang mga tribu ang kumakalat sa lansangan ng Metro Manila isa na ang mga Badjao. Hindi matiyak kung sadyang manhid na ang gobyerno sa ganitong mga tanawin o sadyang wala na lang talagang pakialam.

 Panoorin ang pagpipresenta ng BITAG sa hubo’t hubad na katotohanang ito tungkol sa tribung maikukunsidera nang unti-unti nang naglalaho.

 Uploaded sa bitagtheoriginal.com i-click ang BITAG NEW GENERATION para mapanood ang episode.

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

vuukle comment

ANG

BADJAO

MAYNILA

METRO MANILA

MGA

MINDANAO

MINDANAO AVENUE

NBSP

NORTH AVENUE

QUEZON CITY

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with