^

Punto Mo

Sir Juan (61)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAPUYAT si Sir Juan sa pag-iisip kung paano ang magandang approach kay Mahinhin tungkol sa natuklasan niya rito. Sa totoo lang, hindi naman siya galit sa dalaga, ang hindi niya nagustuhan ay kung bakit nagsinungaling pa ito. Sinabi sa kanya na bookkeeper ito sa isang pabrika. Sana sinabi na lang niya ang totoo na isa siyang dancer sa KTV. Hindi na sana siya nag-imbento na bookkeeper ang kanyang trabaho. Kitang-kita naman ng dalawang mata niya nang pumasok ito sa KOLEHIYA. At si-yempre ano ba ang trabaho sa KTV club ng katulad niyang batambata at sariwa? Nude dancer! Wala yatang bookkeeper dun sa pagkakaalam niya.

At malinaw ang mga ipinakitang photos ni Nectar na nagsasayaw nang walang saplot si Mahinhin. Malaswa ang pagkakaposing niya. Nakaharap pa sa audience. Kaya kitang-kita ebidensiya na hindi bookkeeper si Mahinhin gaya nang kanyang sinasabi.

Pero hindi naman siya galit kay Mahinhin. Pagpapaliwanagan niya ito kapag nagkaroon siya ng lakas ng loob. Hindi niya ito hihiyain. Sino ba naman siya para manghiya ng babae? Lahat naman ay pantay-pantay. Lahat ay nagkakasala. Kapag nakausap niya si Mahinhin bakasakaling lumuwag na ang kanyang nararamdaman. Mula kasi nang malaman niya na si Mahinhin ay dancer sa KOLEHIYALA, medyo nakadama siya ng bigat sa kalooban. Malaki kasi ang paghanga niya kay Mahinhin kaya hindi agad niya matanggap na papasok ito sa ganoong gawan. At isa pa, ina­lok nga niya na pag-aaralin pero tinanggihan siya. Katwiran ay kaya naman niyang suportahan ang sarili.

Ganun pa man, kakausapin pa rin niya nang masinsinan ang dalaga at bakasakaling tigilan na ang pagsasayaw sa KOLEHIYALA. Kaya pa namang magbago.

Hanggang sa ipasya na niyang kausapin si Mahinhin sa araw na iyon. Pupuntahan na niya ito sa kuwarto. Wala naman siyang kamalay-malay na umalis na kagabi pa si Mahinhin.

Dahan-dahan siyang kumatok sa pinto ng kuwarto ni Mahinhin. Walang sumasagot o nagbubukas ng pinto.

Kinutuban si Sir Juan.

Bumalik siya sa opisina at kinuha ang duplicate na susi. Binuksan ang pinto. Madilim. Binuksan niya ang ilaw. Pumasok siya. Nakita niyang walang laman ang cabinet. Anong nangyari? Nasaan si Mahinhin.

Nasa likuran na pala niya si Nectar.

‘‘Umalis na si Mahinhin, Sir Juan!’’

“Umalis? Kailan?’’

“Kagabi po. Nakita ko siya na may dalang maleta.’’

Parang sinabu­yan ng tubig si Sir Juan. (Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

BINUKSAN

HINDI

ITO

KAYA

LAHAT

MAHINHIN

NIYA

SIR JUAN

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with