^

Punto Mo

Balik-Buwan

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

BALAK na rin ng National Aeronautics and Space Administration ng United States na iwanan na ang masyadong magastos na  International Space Station (ISS) at, sa halip, muling balikan ang Buwan na huling dinayo ng kanilang mga astronaut noong 1972. Kung maaalala, una at huling nakatuntong ang tao sa Buwan noong 1969.

Pero, ayon sa ulat, sa orbit lang ng Buwan titigil ang mga astronaut para mapagpraktisan kung paano mabubuhay nang napakatagal sa tinatawag na deep space lalo na sa mahabang biyahe patungo sa Mars sakaling matuloy ang pagpapadala ng tao sa pulang planeta. Hindi pa malinaw kung pagkatapos sa orbit sa Buwan ay susunod ang muling pagtuntong sa kalupaan nito. Ang kaibahan lang, sa pagbalik ng mga astronaut sa Buwan, tatagal sila roon nang maraming araw sa halip na ilang oras na gaya ng mga nangyari noong  dekada 60 at 70.

Mukhang magkakasabay pa sila ng Russia na pinaplano na ring magpadala muli ng kanilang sariling astronaut at mga kaukulang kagamitan at magtayo ng permanenteng base ng tao roon. Pero siguro pareho na ring nararamdaman ng dalawang bansa ang napakagastos na operasyon ng ISS na maging ang pribadong sektor ay lumalahok na rin. May pagkakataon ngang nag-imbita sila ng mga turistang nagbayad ng milyon-milyong dolyar para lang matikman ang pagsakay sa ISS at matanaw ang daigdig mula rito.

Bakit nga ba hindi muna tutukan ng mga dalubhasa ang Buwan bago isagawa ang anumang misyon sa Mars? Sana nga noong araw pa ito isinagawa sa halip na itinayo ang ISS na sinasabing pinakamahal na bagay sa mundo na ginawa ng tao kahit pa sabihing maraming bansa ang nagtulong-tulong para mabuo ito. Puwede namang sa Buwan na lang gawin ang anumang eksperimentong isinasagawa nila sa ISS sa nagdaaang ilang dekada.

Bukod sa Amerika at Russia, pinagkakainteresan na rin ng iba pang mga bansang merong mga sariling space program ang pagsasagawa ng misyon sa Buwan at ang posibleng pagtatayo ng base o kolonya ng tao rito. Wala pa ngang natutuloy dito dahil sa maraming bagay o implikasyon na dapat pag-aralan at paghandaan. Gayunman, mas malaki naman ang tsansang makabalik sa daigdig ang sinumang pupunta sa buwan. Hindi tulad sa pagtungo sa Mars na parang isang suicide mission.

vuukle comment

AMERIKA

ANG

BAKIT

BUKOD

BUWAN

GAYUNMAN

INTERNATIONAL SPACE STATION

MGA

NATIONAL AERONAUTICS AND SPACE ADMINISTRATION

PERO

UNITED STATES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with