^

Punto Mo

Pasimpleng pagpapakatotoo!

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SA lahat nang inaanak ni Vicky, ang sampung taong gulang na si Leslie ang kanyang pinakapaborito. Kaya tuwing mag-eeksperimento siya ng bagong recipe ay si Leslie kaagad ang kauna-unahan niyang pinadadalhan at pinatitikim ng bagong tuklas na recipe.

Isang araw ay nagluto si Ninang Vicky ng Black Spaghetti. Sa halip na tomato sauce ay tintang itim ng pusit ang gagawing sauce. As usual, si Leslie kaagad ang pinadalhan niya at pinatikim ng kanyang ‘obra’.

Sa kabilang dako, napangiwi ang lahat ng kasambahay ni Leslie nang malasahan nila ang Black Spaghetti. Bukod sa hindi kaayaaya ang  kulay ay hindi talaga ito masarap.

“Disaster ang lasa ng spaghetti ng Ninang Vicky mo!” sabi ng kuya ni Leslie habang nakangiwi ito pagkatapos iluwa ang naisubong isang kutsarang spaghetti.

Napangiti si Leslie sa kanyang Mommy at Daddy dahil kahit siya ay hindi nasarapan sa niluto ng kanyang ninang. Maya-maya ay dinampot ng katulong ang spaghetti sabay shoot sa lalagyan ng kaning-baboy.

“Paano ‘yan Mommy, anong sasabihin ko kay Ninang kapag tinanong niya ako kung anong comment ko sa niluto niya?”

“Maging honest ka lang…” sabi ng kanyang mommy

“Without hurting her feeling” salo ng kanyang daddy

Kinabukasan, kagaya ng inaasahan ni Leslie ay tinawagan siya ng kanyang ninang.

“Natikman mo ba ang ipinadala kong Black Spaghetti?”

“Yes Ninang, thank you, you’re so nice talaga. For the first time, hindi po nagtagal sa mesa ang spaghetti…”

vuukle comment

ACIRC

ANG

BLACK SPAGHETTI

BUKOD

ISANG

KANYANG

KAYA

LESLIE

NINANG VICKY

SPAGHETTI

YES NINANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with