^

Punto Mo

Sir Juan (41)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG mabuhay ang ilaw ay nasa stage na ang apat na babae. Naka-bra at panty na lang. Pumailanglang ang isang maharot na awitin at nagsimulang gumi-ling ang mga babae.

Sa simula ay mahina at marahan ang pag-indayog ng mga balakang ng babae pero nang tumagal ay dumalas na. Lalo pang naging maharot ang tugtog. Ang mga ilaw na walang tigil sa pagpapalit-palit ay parang nakakahilo.

Pinagmasdan ni Gringo ang mga babae sa stage. Lahat ay maganda sa tingin niya. O dahil lamang iyon sa matingkad na ilaw na tumatama sa kanila. Pakiwari niya ay mga mga edad 18 o 19 ang mga nagsasayaw. Hindi kaya kolehiyala ang mga babae. Sino kaya sa kanila si Mahinhin?

Dinukot ni Gringo sa bulsa ang cell phone niya. Binuksan niya para i-search ang picture ni Mahinhin na ipinasa sa kanya ni Nectar.

Nakita niya. Pinagmasdan niyang mabuti kung mayroon itong kamukha sa mga babaing nasa stage at nagsasayaw. Wala! Madaling makilala ang pigura ni Mahinhin kaya sigurado siyang wala ito sa mga babaing nagsasayaw.

Baka naman mamaya pa isasalang si Mahinhin. Baka siya ang star of the night? Puwede. Mag-aabang siya hanggang sa dumating ang oras ni Mahinhin.

Naubos na ang unang beer niya. Mayroon pa siyang pulutan. Kinawayan niya ang waiter na nag-assist sa kanya kanina.

“Bigyan mo ako ng dalawa pang beer.’’

‘‘Yes sir.’’

Nang muling tumingin si Gringo sa stage, pawang talop na ang mga babaing nagsasayaw. Nakalantad na ang mga pugad ng uwak sa harapan. Makakapal at maiitim.

Dumating ang inorder niyang dalawang beer. Nagpapawis sa lamig.

Tumungga siya. Sarap!

Hanggang sa nakita niya na nag-iisa na lamang ang nagsasayaw sa stage. At ang kasunod ay ang pagliyad-liyad ng dancer. Hanggang sa naupo sa gitna at ini-spread ang mga paa. Pabukaka.

Naghabaan ang leeg ng mga lalaking nasa table. Sinisilip ang nasa pagitan ng hita ng dancer. (Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

BIGYAN

BINUKSAN

DINUKOT

DUMATING

HANGGANG

MAHINHIN

MGA

NIYA

PINAGMASDAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with