^

Punto Mo

Sir Juan (40)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGTAWA si Gringo sa sinabi Nectar na kapag nagawa niya ang ipinatatrabaho nito ay makikita ang nasa ilalim ng itim na pugad ng The Raven o uwak.

“Tuparin mo ang iyong sinabi, Nec,’’ sabi ni Gringo.

Nakangiti naman na tila nanunukso si Nectar.

‘‘Kapag sinabi ko, ginagawa ko.’’

“Puwedeng humingi ng advance. Kahit kapirasong silip lang.’’

“Hindi puwede. Kaila-ngan, tapos mo ang pinagagawa ko at saka ko ipakikita ang nasa ilalim ng pugad ng uwak.’’

‘‘Okey sige. Pagkatapos kong gawin ang pinatatrabaho, magpipista ba ako Nec sa pagsilip diyan?’’

‘‘Oo. Basta gawin mo ang trabaho.’’

“Okey sisimulan ko na mamayang gabi. Ibigay mo sa akin ang picture ni Mahinhin at kukunan ko na siya habang nagsasayaw. Tingnan ko nga nakakapaglaway siya gaya ng sinabi mo.’’

“Sige Gringo. Mag-ingat ka lang at baka bawal dun ang pagkuha ng picture.’’

“Ako ang bahala.’’

Naghiwalay na sila. Tatlong oras din silang nag-usap ni Gringo.

Habang pabalik si Nectar sa bahay ay nakangiti siya dahil magkakaroon na ng katotohanan ang mga plano niyang mapaalis sa boarding house si Nectar at masosolo na si Sir Juan.

Kapag naisagawa ni Gri­ngo ang pagkuha ng picture kay Mahinhin ngayong gabi, bukas na bukas din ay kakausapin niya si Sir Juan at ipakikita ang mga hubad na larawan ni Mahinhin habang nasa stage at sumasayaw. Baka ma-shock si Sir Juan kapag nakita ang petchay ni Mahinhin.

Paniwala kasi ni Sir Juan, si Mahinhin lamang ang sikat sa boarding house at wala nang iba. Humanda ka Mahinhin!

KINAGABIHAN, nagtu­ngo na sa KOLEHIYALA si Gringo para isagawa ang pinatatrabaho ni Nectar. Ka­ilangang ngayong gabi ay makunan niya ng photo si Mahinhin.

Madali niyang nakita ang KOLEHIYALA KTV bar.

Ngayon lamang niya nalaman na may KTV bar pala sa lugar na iyon. Sunud-sunod ang nakita niya.

Pero sa malayo pa lang,  tanaw na niya ang KO­­LE­HIYALA.

Pumasok siya. Sinalubong ng isang crew. Inihanap ng mauupu­an.

“Iisa ka lang ba Sir?’’

“Oo. Ihanap mo ako sa malapit sa stage.’’

‘‘Okey sir. Wait a minute.’’

Naikuha si Gringo ng upuan na malapit sa stage.

Umorder siya ng beer at pulutan.

Maya-maya ay pi­natay ang ilaw sa stage. Magsisimula na ang show. Maagang lalantad ang mga pet­chay. (Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

GRI

GRINGO

KAPAG

MAHINHIN

NEC

OO

SHY

SIGE GRINGO

SIR JUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with