^

Punto Mo

‘Pinsan, mamatay ka na sana!’ (BITAG Classic)

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HUSTISYA ang isinisigaw ng biktima ng panggagahasa na si “Angel.”

 Isinusumbong ang pambababoy umano sa kanyang pagkatao ng sariling pinsan na si “Junjun” isang umaga habang papasok siya sa kanyang eskwelahan sa Indang, Cavite.

 Incidental o nagkataon lang na nakita ng BITAG sa tanggapan ng National Bureau of Investigation – Violence Against Woman and Children Division (NBI – VAWCD) si Angel.

 Nagka-interes ang aming grupo matapos namin siyang makitang bugbog-sarado at umiiyak na isinasalaysay sa mga awtoridad ang masakit na pangyayari.

 Ibinubuhos ang matinding sama ng loob sa kahayupang ginawa sa kanya ng mismong pinsang pinagkatiwalaan na si “Junjun.”

 Habang ang kanyang ina, hindi rin maitago ang sakit at hinanakit sa sinapit ng kanyang dalagang anak.

 Ayon kay Angel, alas-kwatro ng umaga, inalok siya ng pinsan na sumabay na lang sa ipinampapasadang tricycle palabas papuntang sakayan. Papasok noon si Angel sa kanyang eskwelahan.  

 Subalit hindi pa man nakakalayo sa kanilang bahay, pilit umano siyang binugbog at ginahasa ng pinsan.

 Matapos makuha ang buong detalye kay Angel, agad ikinasa ng NBI – VAWCD at BITAG ang isang operasyon sa Indang, Cavite.

 Panoorin mamaya sa bitagtheoriginal.com click BITAG NEW GENERATION.  

  Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

vuukle comment

ABANGAN

ACIRC

ANG

AYON

CAVITE

INDANG

JUNJUN

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NBSP

STRONG

VIOLENCE AGAINST WOMAN AND CHILDREN DIVISION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with