^

Punto Mo

Ang 5 madre

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MAY limang madre na pansamantalang nilisan ang kanilang kumbento sa California at nagbiyahe sa New York City para mamasyal. Nagsimba muna sila sa St. Patrick Cathedral. Tapos saka nila nilibot ang lugar upang pasyalan ang magagandang tourist spot. Sa kalalakad ay nakadama sila ng pagkauhaw. Noon kasi ay summer. Isama pa dito ang kanilang suot na abito na mahaba na, ay makapal pa.

Nadaanan nila ang Patty McGuire’s Pub at doon bumili ng inuming pampalamig. Sikat ang pub na nabanggit dahil sa kakaiba nitong barstool. Sa halip na conventional na bakal ang gawing paa, korteng legs ng babae ang ginamit na paa ng upuan. At dito naupo ang limang madre.

Habang umiinom ang mga madre na nakaupo sa barstool, dumating naman ang ilang kalalakihan para din umorder ng inuming pampalamig. Pagpasok pa lang sa pub ay nabigla sila sa bumungad na senaryo – mga madreng naka-expose ang legs! Parang sila ang naeskandalo sa kanilang nakita. Masdan ang litrato. Ganito ang naging ilusyon ng mga lalaki sa nakaupong  mga madre. Samantala, walang kamalay-malay ang mga madreng masayang nagkukuwentuhan kung ano ang ilusyong nilikha ng kanilang inuupuang barstool.

 

vuukle comment

ANG

GANITO

HABANG

ISAMA

MASDAN

NADAANAN

NAGSIMBA

NEW YORK CITY

PAGPASOK

SAMANTALA

ST. PATRICK CATHEDRAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with