^

Punto Mo

Sampaguita (187)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ISANG araw, ipinasya nina Sampaguita at Ram na kausapin si Sir Manuel tungkol sa balak nilang pagpapakasal na isasabay sa inagurasyon ng theme park. Lumuwas sila ng Maynila para pormal na sabihin sa mabait na matanda ang balak nila.

Pinuntahan nila ang matanda sa opisina nito sa Ayala Avenue. Nagulat ang matanda sa pagdating ng dalawa.

‘‘Bigla kayong napaluwas? Meron bang problema sa ating Theme Park?’’ Tanong ng matanda.

“Wala po Sir Manuel,’’ sabi ni Ram. ‘‘Meron lang po kaming sasabihing importante. Hindi na po kami nakapaghintay na magtungo ka sa probinsiya kaya kami na ang lumuwas.’’

‘‘Anong sasabihin n’yo sa akin? Siguro sasabihin n’yo na magpapakasal na kayo.’’

Nagtawa sina Sam at Ram.

“’Yan nga po ang sasabihin namin, Sir Manuel,’’ sabi ni Sam.

‘‘Aba, magaling na pala akong manghuhula. Sige, ano ang tungkol sa pagpapakasal n’yo.’’

‘‘Balak po namin, isabay ang kasal sa inagurasyon ng theme park. Payag ka po ba, Sir Manuel?’’

Nagtawa si Sir Manuel.

‘‘Ba’t naman hindi ako papayag. Katunayan, ‘yan ang aking naisip noon pa – hindi pa itinatayo ang theme park ay ‘yan na ang balak ko.’’

“Ganun po ba? Salamat po Sir Manuel. Napakabuti mo,’’ sabi ni Sam.

‘‘Wala na po kaming mahihiling pa, Sir Manuel,’’ sabi ni Ram.

‘‘Palagay ko mayroon pang kulang para maging maligaya ang inyong kasal,” sabi ng matanda.

‘‘Ano po ‘yun.’’

‘‘Ah saka ko na lang sasabihin. Magugulat kayo.’’

Hindi nakapagsalita sina Sam at Ram. Ano kaya iyon?

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANO

AYALA AVENUE

MANUEL

MERON

NAGTAWA

SIR

SIR MANUEL

THEME PARK

WALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with