^

Punto Mo

Sardinas panlaban sa global warming

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

BUKOD sa panlaban sa gutom at sakit na kanser, panlaban din ang sardinas sa global warming. Sa isang pag-aaral nina Dr. Andrew Bakun ng University of Miami (United States) at Dr. Scarla J. Weeks ng University of Cape Town (South Africa), sinasabing kinakain ng mga isdang sardines ang isang klase ng maliliit na halaman sa karagatan na tinatawag na ocean phytoplankton.  Kapag daw nangongonti ang sardines, dumarami ang phytoplankton, nabubulok at nag­lalabas ng mga kemikal na methane at hydrogen sulfide na umaakyat naman palabas ng tubig at kumakalat sa himpapawirin. Katulad daw ng sa nabubulok na itlog ang amoy ng hydrogen sulfide at inaalisan nito ng oxygen ang tubig habang pumapailanlang sa himpapawirin.  Ang methane naman ay umiipit ng init sa kapaligiran. Kaya, habang nangongonti ang sardines sa karagatan, dumarami ang naturang kemikal na sumasabog at nagpapadagdag ng init sa kapaligiran. 

* * *

Sa  laboratoryo ng University of  South Carolina, isang koleksyon ng mga daga ang nilalasing ng mga researcher dito para sa kanilang eksperimento na tumutukoy kung paano kinukumpuni ng utak ang sarili nito matapos makatungga ng alak ang isang manginginom. Layunin din ng eksperimentong ito kung paano matutulungan ang mga lasenggo na maibalik sa normal ang kanilang pag-iisip.  Magandang balita ito sa mga gusto nang makaiwas sa alak pero masamang balita naman para sa mga animal right activist!

* * *

May mga insekto na tulad ng water strider o skimmer na nakakapaglakad sa tubig. Natuklasan ng mga scientist ng Massachusetts Institute of Technology (USA) na ginagamit ng naturang mga insekto ang  isa sa tatlo nitong balahibuhing mga paa para makalikha ng vortices o spiral sa tubig na daan para mabilis silang makalakad sa mga lawa. ilog o dagat. Hindi raw sa nalilikhang maliliit na alon ang sikreto ng water strider kundi sa  sinasabing subsurface vortices sa ibabaw ng tubig.  

* * *

Sino ang mas mabangis, ang tao o ang pating? Ayon sa  International Shark Attack File,  hindi kukulangin sa 10  ang bilang ng mga tao na napapatay ng mga pating sa buong mundo taon-taon.  Pero 100  milyong pating naman ang napapatay ng mga mangingisda taon-taon. Dahil daw  dito, lubhang nangongonti na ang mga pating sa karagatan.

vuukle comment

ANG

DR. ANDREW BAKUN

DR. SCARLA J

INTERNATIONAL SHARK ATTACK FILE

MASSACHUSETTS INSTITUTE OF TECHNOLOGY

MGA

NBSP

SOUTH AFRICA

SOUTH CAROLINA

UNITED STATES

UNIVERSITY OF CAPE TOWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with