^

Punto Mo

Sampaguita (160)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG mga sandali namang iyon ay naalis na ni Sampaguita ang tali sa kanyang kamay. Itinali siya ni Levi nang maka-idlip habang nakasandal sa punong banaba. Hindi niya namalayan ang ginawa ni Levi sapagkat pagod na pagod siya. Kapag wala sa kanyang bibig ang mga mutya ay nakadarama siya nang grabeng pagod na halos bumagsak ang kanyang katawan. Kung bakit kasi naisipan pa niyang alisin ang mga mutya sa kanyang bibig kanina. At naiwan pa niya ang bag. Kung hindi binalikan ni Ram ang bag ay baka malayo na sila at hindi maaabot ni Levi.

Hindi siya gaanong naitali ni Levi dahil nataranta ito nang marinig ang mga yabag ni Ram. Papalapit na si Ram. Inabangan ni Levi si Ram sa daraanan nito.

Agad na naalis ni Sam ang tali sa kanang kamay. Isang kamay na lang may tali. Kailangang maalis niya iyon para matulungan si Ram habang nakikipaglaban kay Levi.

Hanggang sa marinig niya ang tawag ni Ram sa di-kalayuan.

‘‘Sam! Sam!’’

Lalong minadali ni Sam ang pagkalag sa tali sa kan­yang kamay.

Hanggang makita niya si Sam na mabilis na tumatakbo patungo sa kanyang direksiyon.

‘‘Sam, eto ang bag mo!’’ Sabi ni Ram at agad ibinigay kay Sam ang bag.

Eksaktong naalis ni Sam ang gapos at nakuha ang ini­aabot na bag. Mabilis na binuksan ni Sam ang bag at kinuha roon ang dalawang mutya na nakabalot sa panyo. Isinubo ang isa sa mga mutya at pagkaraan ay iniabot kay Ram ang isa pang mutya.

“Isubo mo Ram, dali! Isubo mo!’’ Sabi ni Sam.

Kinuha ni Ram ang mutya at mabilis na isinubo. Nagtaka si Ram sa mabilis na epekto ng mutya. Parang napakalakas niya. Walang kasinglakas ang nararamdaman niya!

“Tayo na Sam! Bilis! Kailangang makalayo tayo rito! Nasa likuran natin si Levi. Baliw na ang taong yun! Mag-ingat tayo sa pagtakbo sapagkat mara-ming butas na may ahas!’’

Umalis na sila! Mabilis ang kanilang pagtakbo. Kakaibang lakas nga ang nakalukob sa kanila habang nasa bibig ang mutya.

Hanggang ma­ta­naw nila ang hanggahan ng lu­pa ni Levi. Ma­­lapit na silang makalabas sa lupain ni Levi! Ma­lapit na silang makatakas.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

HANGGANG

ISUBO

KAILANGANG

LEVI

MABILIS

MUTYA

RAM

SAM

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with