^

Punto Mo

Sampaguita (157)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

SI Ram ang nakita niyang tumatakbong papalapit sa kanya. Hindi siya dinadaya ng kanyang paningin. Ang kanyang nobyo nga? Paanong nakarating dito si Ram? Pa­ano nalaman ang kina­roroonan niya?

“Sam! Sam!”

Si Ram nga!

“Ram! Ram!”

Mabilis na nakalapit si Ram kay Sam.

Nang makalapit ay mahigpit siyang niyakap nito. Sabik na sabik si Ram sa kanya. Ginanti niya ang mahigpit na yakap. Hinalikan siya sa labi ni Ram. Ginantihan niya ang halik nito. Mainit ang kanilang mga labi. Nagbabaga dahil sa matagal na hindi pagkikita.

Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay kapwa sila humihingal. Hinahabol nila ang paghinga.

“Paano mo nalaman na narito ako, Ram?’’

“Dahil kay Sir Manuel. Na-tract nila ang kinaroroonan mo at agad na sinabi sa akin. Na-monitor ka dahil sa cell phone signal mo. Hindi agad sila makapunta rito dahil dinala sa police station ang mga nagtangkang pumatay sa kanya na ang lider ay si Banjo. Nahuli nila sina Banjo.’’

“Salamat at dumating ka, Ram.’’

“Nag-alala ako nang labis nang malaman ang kinaroroonan mo. Sabi ni Sir Manuel, nasa resort ka ni Levi at lahat nang pumapasok dito ay hindi nakalalabas nang buhay.’’

“Oo nga, Ram. At palagay ko, pag-aari pa niya ang lugar na ito kaya dapat umalis na agad tayo rito.’’

“Siyanga pala, Sam ang mutya na bigay ng lola mo, nasaan?’’

“Narito sa bibig ko, Ram. Ito ang nagligtas sa akin laban sa linta, ahas at mga aso ni Levi.’’

“Talaga? Bilin sa akin ng Lola Rosa mo, huwag mong hahayaan na mapalayo sa katawan mo ang mga mutya. Iyan ang magliligtas sa’yo.’’

“Ganun nga ang ginawa ko Ram. Halika na, lumayo na tayo rito.’’

“Teka, Sam. Huhubarin ko ang polo ko. Isuot mo.’’

“Paano ka, Ram?’’

“Okey lang. Mas kailangan mo ang damit na ito.’’

Mabilis na hinubad ni Ram ang polo at pinasuot kay Sam.

Tinanggal ni Sam ang nakabalot na tuwalya at saka isinuot ang polo.

“Halika na, Sam.’’

Tumakbo sila. Hawak ni Ram ang kamay ni Sam. Mahigpit ang hawak niya rito.

Patungo sila sa kakahuyan. Hindi nila alam kung ano ang nasa loob ng kakahuyan. Pero malakas na ang loob nila pareho sapagkat magkasama na sila. Hindi na sila maghihiwalay pa.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

HALIKA

LOLA ROSA

MABILIS

NANG

PAANO

RAM

SAM

SI RAM

SIR MANUEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with