^

Punto Mo

Nakalulungkot na katotohanan

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

…tungkol sa mga taong sikat at inakalang napakabuti:

John Lennon

Itinago ni John Lennon ang kanyang anak na si Julian sa mata ng publiko dahil natatakot itong mabawasan ang kasikatan. Ayaw ng mga babaeng fans na ang kanilang idolo ay may asawa o girlfriend. Mismong si Julian ang nagsabing kaya hiniwalayan ng kanyang sikat na ama ang kanyang ina ay dahil nakisama na ito kay Yoko Ono. Kahit siya ang panganay na anak, siya ang nakatanggap ng pinakamaliit na mana.

Sean Penn at Madonna

Kasal pa sila nang makipagrelasyon si Madonna kay Warren Beaty. Nang mabisto ni Sean ang pangangaliwa, itinali niya sa silya si Madonna at walang awang binuntal nang ilang oras.

Christopher Columbus

Sa kabila ng kanyang pagdiskubre sa Amerika, sinasabing siya ang nagdala ng syphilis sa Europe. Siya ang dahilan ng pagkalat ng naturang sakit. Mahilig siya sa babae.

Jackie Chan

Bukod sa kanyang legal wife, may nabuntis siyang ibang babae. Inamin niya na nagkaroon siya ng extra marital affair pero hindi niya kinilala kahit kailan ang batang babae na ipinagbuntis ng naging karelasyon niya.

Pablo Picasso

Kung ano ang galing niya bilang painter, ganoon din siya ka-galing mambabae. Malupit siya sa kanyang misis. Ang kalupitan niya sa babae ay makikita sa mga nangyari sa kanyang mga kabit:  Unang kabit ay nagpakamatay. Ang dalawa ay nabaliw.

Sources: news.asiaone.com, Madonna, an intimate biography, wikipedia

vuukle comment

ALIGN

ANG

CHRISTOPHER COLUMBUS

JACKIE CHAN

JOHN LENNON

KANYANG

LEFT

PABLO PICASSO

QUOT

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with