^

Punto Mo

‘Akin ka!’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

PALABAS ulit sa aming website, bitagtheoriginal.com BITAG New Generation ang ‘Akin ka!”

Ekslusibong pagdo-dokumento ng BITAG Investigative team sa kilabot na serial molester, serial rapist at hold-upper na si Mark Soque apat na araw bago siya napatay noong nakaraang buwan.

Siya ang sinasabing nasa likod ng serye ng mga pangmo­molestiya at panghahalay sa Quezon City noong Pebrero.

Sinadya naming muling ipalabas ito bilang pagbibigay-babala sa publiko lalo na sa mga kababaihan.

Sa episode na ito, sinukat ng BITAG kung papaano mag-isip si Soque. Ipinakita kung papaano niya isinasagawa ang krimen sa sariling estilo at pamamaraan.

Bago niya looban ang isang establishemento, pinag-aaralan niya muna itong mabuti. Pinipili ang mga maliliit na pwesto kung saan bilang lang ang mga lamesa dahil madali itong kubkubin.

Sa umpisa, magpapanggap na kustomer. Pero, kapag nakahanap na ng tyempo, mang-molestiya at manggahasa na ng mga babae. Wala siyang pinipiling edad.

Na habang pilit pinapapasok sa mga comfort room ang mga nagmamakaawang babae, hinihipuan, hinuhubaran at iginagapos na parang baboy, lalo naman siyang nasisiyahan at nasasarapan.

Tropeyo kung ituring niya ang kaniyang mga nabiktima.

Panoorin kung papaano nahulog sa BITAG ng mga awtoridad ang serial molester, serial rapist at hold-upper na si Mark Soque.

Magsilbi sana itong babala sa publiko lalo na sa mga babae. Mas mabuti na ang praning kaysa luhaan, masahol pa mapatay ng mga gumagalang kriminal.

Ipakalat ang babala sa inyong mga kapamilya, kaibigan, kamag-anak at kakilala. Mag-ingat, mag-ingat.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

vuukle comment

ABANGAN

EKSLUSIBONG

IPAKALAT

IPINAKITA

MARK SOQUE

NEW GENERATION

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with