^

Punto Mo

Ang dasal ng alipin

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

KILALA si St. Patrick bilang patron saint ng Ireland. Paano at bakit siya ang naging patron ng mga Irish samantalang hindi naman siya tagaroon?

Siya ay mula sa maykayang pamilyang Kristiyano sa Britain. Isang gabi ay may Irish raiders na nakapasok sa kanilang hacienda. Umalis ang mga magnanakaw dala ang pera, mahahalagang gamit at ang 16-year old na binatilyong si Patrick. Ibinenta siya bilang alipin at dinala sa isang malayong bundok para gawing pastol. Kahit hindi relihiyoso, pagdadasal na lang ang kanyang ginawang armas para matagalan ang kanyang paghihirap. Pagkatapos ng anim na taong pagiging alipin, siya ay nagkaroon ng pagkakataon makatakas.

Nakabalik siya sa kanyang pamilya na sugatan ang katawan at pagkatao ngunit may kakaibang pananampalataya sa Diyos. Ito ang naging daan para magpasya siyang magpari. Isang pagkakataon ay nanaginip siya na inuutusan ng anghel na bumalik sa Ireland para tulungan ang mga taong maging Kristiyano. Sa loob ng 30 taon, nagawa niyang magpatayo ng simbahan, monasteryo, magbinyag ng libu-libong mananampalataya. At higit sa lahat, marami rin siyang nahikayat na magpari.

Bago dumating si Patrick sa Ireland, ang kanilang relihiyon ay nakabase sa paniwalang pagano — ’yung sumasamba sa araw, hayop at iba pa. Mas marami noon ang pagano at mabi­bilang lang sa daliri ang Kristiyano. Ngunit dahil sa pagtitiyaga ni Patrick na noo’y isa nang bishop, nagtagumpay siyang i-convert ang Ireland sa pagiging Christian country.

vuukle comment

DIYOS

IBINENTA

ISANG

KAHIT

KRISTIYANO

NAKABALIK

SIYA

ST. PATRICK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with