^

Punto Mo

Manong Wen (197)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MATAPOS magpaalam kina Princess at Precious, umalis na si Diego para hanapin si Jo. Kakaunti ang nalalaman niya kay Jo at batay sa narinig niya sa driver nito na si Raul, may sarili itong bahay sa Makati at nakabili rin ng bahay at lupa sa Bgy. Villareal, malapit din sa bahay nina Princess. Sabi pa ni Raul, tinutulungan ni Jo si Mam Diana para magkasundo na ang mag-iina.

Dinala ni Diego ang SUV para maging mabilis ang paghahanap kay Jo. Kailangang makita niya si Jo. Baka nasa panganib ang buhay nito lalo na’t nakarinig pala sila ng putok nang iwan nila ito habang nakikipagpaglaban sa mga kidnaper. Palagay daw ni Princess, binaril si Jo.

Nakarating agad si Diego sa lugar na huling kinakitaan daw kay Jo. Mataas ang damo sa lugar. May ilang punong­kahoy.

Tahimik na tahimik ang lugar. Parang walang bakas na may nangyaring karahasan doon.

Hinanap niya si Jo. Sumuot sa malagong damo na gina­gapangan ng mga bagin at iba pang halaman.

Wala si Jo! Nasaan kaya ‘yun?

Sabi ni Princess, ma­lapit sa puno ng Banaba ang kinakitaan nila kay Jo. Bigla itong sumulpot at may dalang arnis. Hinarap ang dalawang kidnaper. Sinabihan daw sila ni Jo na tumakas na. Mabilis daw silang nagtatakbo at nang makalayo, umalingawngaw ang putok.

Hinanap pa ni Diego. Wala  talaga.

Hanggang sa magsawa siya sa paghahanap sa da­muhan.

Pabalik na siya nang makakita ng mga patak ng natuyong dugo sa damuhan. Kay Jo kaya ang mga dugo?

Sinundan niya ang mga patak.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

BGY

BIGLA

DINALA

HINANAP

KAY JO

MAM DIANA

RAUL

SABI

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with