^

Punto Mo

Manong Wen (194)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BUHAT ni Diego ang duguang katawan ni Mam Diana. Kailangang madala agad ito sa ospital para ma­iligtas.

“Tulungan n’yo ako! Kailangang madala natin si Mam Diana sa ospital para mailigtas!”

“Opo! Manong!” Sabi ni Princess na agad sumalubong kay Diego. Nasa likuran niya si Precious na umiiyak.

“Buksan n’yo ang pinto ng sasakyan! Wala tayong dapat aksayahing panahon. Masama ang tama niya sa katawan! Dali”

Binuksan ni Princess ang pintuan ng SUV. Isinakay ni Diego. Sumakay na rin sina Princess at Precious.

Mabilis na pinatakbo ni Diego patungo sa pinakamalapit na ospital. Iyon na ang pinakamabilis niyang pagpapatakbo sa buong buhay­ niya. Halos pakiramdam niya ay hindi na sumasayad sa kalsada ang gulong ng sasakyan. Kailangang bilisan niya para mailigtas si Mam Diana.

Habang tumatakbo ay nakayakap sina Princess at Precious sa ina. Humihikbi sila pareho. Awang-awa sila sa nangyari sa kanilang ina. Tuluyan nang nalusaw ang nadamang galit sa kanilang ina. Kung hindi dahil sa kanilang ina, baka napahamak na sila sa kamay ng dalawang kidnaper. Hinarang ng kanilang ina ang dalawang buhong. Nakipagbarilan ito at napatay ang isa pero nabaril naman siya ng ikalawa. Sa katawan ito tinamaan.

Nagdarasal si Princess habang nakayakap sa ina. Idinadalangin niyang makaligtas ito. Humingi siya ng awa na mabuhay para magkasama-sama na sila. Gusto niyang mabuo ang pamilya na matagal ding nagkahiwalay. Lubusan na niyang napatawad ang ina.

Maski si Precious ay ganundin ang dinarasal na makaligtas ang ina.

Maya-maya biglang tumigil ang SUV.

“Narito na tayo sa ospital!” Sabi ni Diego. Nasa tapat na sila ng emergency.

Nang biglang may ma­aalala si Diego.

“Magbihis muna kayo, Princess. May mga damit diyan­ ang inay n’yo. Kunin n’yo sa plastic bag. Sige na!”

Maraming damit sa bag. Kumuha sila roon. Mabilis na nagbihis sina Princess. Akmang-akma sa kanila ang damit ng ina.

Pagkaraan ay binuksan ni Diego ang pintuan. Bumaba sina Princess at Precious.

Agad lumapit ang mga tauhan ng ospital. Mabilis ang kilos. Ang mga ito ang nagdala kay Mam Diana sa ER.

Sumunod sina Princess at Precious sa ER. Na­iwan sa sasakyan si Diego.
Nakita nila ang ginawang pagliligtas ng doktor sa kanilang ina. Kinabitan ng kung anu-anong mga aparato. Tiyak na tiyak ang kilos ng doktor habang nililigtas si Diana.

Awang-awa sina Princess at Precious sa ginagawa sa kanilang ina. Pero iyon lamang­ ang nararapat gawin para ito makaligtas. Wala silang­ magawa kundi panoorin ang ginagawa.

Hanggang lapitan sila ng isang staff. Pinakiusapan silang­ lumabas muna. Tatawagin na lamang kapag may gustong sabihin o ipa­alam sa kanila.

Lumabas sina Princess. Naupo sila sa upuan na nasa corridor. May ilang tao na nakaupo roon. Naghi­hintay marahil sa sasabihin ng dokto­r.

“Ate, ayaw kong ma­matay si Inay! Ayaw ko!” sabi ni Precious na yumakap sa kapatid.

“Magdasal tayo, Precious. Hilingin natin na makaligtas si Inay.

Nagdasal sila. Taimtim.

Hanggang sa nakatulog ang magkapatid dahil sa pagod.

(Itutuloy)

vuukle comment

DIEGO

INA

KAILANGANG

MABILIS

MAM DIANA

PRECIOUS

PRINCESS

SHY

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with