^

Punto Mo

Manong Wen (193)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“INAAAY! INA­AAAYYY!”

Pumunit sa lugar na iyon ang sigaw ni Princess.

“Balikan po natin ang Inay namin! Tinamaan siya! Balikan po natin siya Manong!” sabi ni Princess kay Diego. Umiiyak si Princess at ganundin si Precious.

Bantulot si Diego. Ang order sa kanya ni Madam Diana ay itakas o ilayo na ang mga anak.

“Pero sabi niya ay ilayo ko kayo dahil delikadong tamaan ng ligaw na bala.’’

“Kailangan po niya ng tulong Manong. Balikan po natin siya!”

Nag-isip si Diego.

“Sige dito lang kayo sa loob ng SUV. Dumapa kayo. Reresbakan ko ang kidnaper na bumaril kay Mam Diana.’’

“Opo! Opo!”

Binunot ni Diego ang baril sa baywang at maliksing bumaba. Matapang na hinarap ang nag-iisang kidnaper. Kung sa matatapang na Sayyaf sa Patikul at Maguindanao ay hindi siya naduwag, sa nag-iisa pang kidnaper pa kaya? Hindi niya ito uurungan!

Pinaputukan siya ng kidnaper. Gumanti siya. Sunud-sunod na pinaputukan!

Sapol sa ulo ang kidnaper! Bumagsak!

Nang matiyak na patay na ang kidnaper, mabilis na nilapitan si Mam Diana. Binuhat para dalahin sa SUV.

Bumaba sina Princess at Precious nang makita ang pangyayari.

“Inaaaay!”

(Itutuloy)

vuukle comment

BALIKAN

BANTULOT

BINUHAT

BINUNOT

BUMABA

MADAM DIANA

MAM DIANA

MANONG

OPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with