^

Punto Mo

Sunog

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NOONG 67-anyos si Thomas Edison, nagtayo siya ng kompanyang tinawag niyang Edison Industries sa West Orange New Jersey. Isang gabi ng December 1914 ay nasunog ang building ng Edison Industries.

Habang pinapanood ni Thomas ang malaking apoy na lumalamon sa building ay tinawag niya ang kanyang anak: “Charles, tawagin mo ang iyong ina at papuntahin mo rito.”

“Bakit po?” tanong ng nagtatakang bata.

“Aba, hindi na mauulit pa ang sunog na ito, ngayon lang siya makakakita ng ganitong eksena sa buong buhay niya.”

Kinabukasan, magkasamang ininspeksyon ng mag-ama ang labi ng nasunog na building. Dinig na dinig ang buntong-hininga ng kanyang ama dahil dalawang milyon din ang halaga ng mga nasunog. Maya-maya ay nagsalita ito:

“May advantage din ang nangyaring sunog. Ang lahat ng mali kong ginawa, kagaya ng aking mga eksperimentong hindi nagtagumpay ay kasamang nasunog kaya wala nang ebidensiya ng mga katangahan kong ginawa. Salamat sa Diyos­ at walang masamang nangyari sa atin. May pagkakataon pang  itama ang mga mali kong nagawa.”

Bunga ng magandang attitude na ito, agad nagrenta si Thomas­ Edison ng pansamantalang building upang ipag­patuloy ang naantalang experiment. Pagkaraan ng tatlong linggo, ini­labas ng Edison Industries ang pinakaunang phonograph.

Bata pa si Charles noon pero humanga na siya sa kanyang ama na laging may nakikitang kabutihan sa mga masamang pangyayari. Hanggang sa paglaki ay bitbit ni Charles ang namanang good attitude sa ama kaya hindi nakapagtatakang isa siya sa mga hinangaang naging Governor ng New Jersey.

vuukle comment

BAKIT

BATA

BUNGA

DINIG

DIYOS

EDISON INDUSTRIES

NEW JERSEY

THOMAS EDISON

WEST ORANGE NEW JERSEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with