^

Punto Mo

Manong Wen (192)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG mapalapit sa SUV ang dalawang babaing tumatakbo na walang iba kundi sina Princess at Precious, napasigaw si Mam Diana.

“Ang mga anak ko!’’

Kasunod ay mabilis na kinuha ang baril sa handbag at mabilis na bumaba. Naunahan pa nito si Diego. Binunot na rin ni Diego ang baril para tulungan si Mam Diana na sinalubong sina Princess at Precious na hirap na hirap na sa pagtakbo.

‘‘Princess, Precious, dito dali! Dapa kayo! Dapa!’’ Sigaw ni Mam Diana habang hawak ang baril.

Mabilis na sumubsob sa damuhan sina Princess at Precious. Bakas sa kanilang mukha ang pagkabigla at takot pero naroon din ang pagtataka sa babaing sumi­gaw at ngayon ay handang lumaban sa dalawang kidnapper na papalapit. Ang babae nga ba ang kanilang ina? Nananaginip ba sila? Bakit narito ang kanilang ina? Pagkaraan nang mara­ming taon na nawala ay sumulpot ang kanilang ina.

Papalapit na ang mga kid­napper. Pero hindi na nila malalapitan sina Princess at Precious sapagkat narito na ang ina na handang lumaban nang sabayan sa kanila.

Sinalubong na sila ni Mam Diana. Nakatutok ang baril nito. Pirming-pirmi. Handang iputok anumang oras.

Nasa likod ni Mam Diana si Diego na handang-handa rin na makipagbakbakan. Sa­nay na siya sa ganitong pakikipaglaban. Maraming beses na siyang napalaban sa Abu Sayyaf at MILF sa Patikul at Maguindanao. Balewala na ang pakikipagbarilan.

Nang akmang magpapaputok ang isang kidnapper, mabilis itong napaputukan ni Mam Diana. Sapol sa katawan. Nang kikilos pa para gumanti, pinutukan muli.

Pagkatapos ay binalingan si Diego.

“Diego ako nang bahala rito! Itakas mo ang mga anak ko, dali. Ilayo mo sila rito. Kaya ko na ang hayop na ito!”

“Opo Mam!’’

Mabilis na nilapitan ni Diego sina Princess at Precious na noon ay nakasubsob pa rin sa damuhan para hindi tamaan.

“Aalis tayo! Order sa akin ng mother n’yo!’’

Tinulungan ni Diego ang dalawa para makabangon. Hirap na hirap at pagod na pagod ang dalawa. Lungayngay na si Precious. Kailangang alalayan ni Diego. Maski si Princess ay halos wala na ring lakas. Basang-basa na sila sa pawis.

Naisakay ni Diego ang magkapatid sa SUV. Pinaandar. Nang aalis na, nakita niya ang pangyayari kung saan binaril ng isa sa mga kidnaper si Mam Diana. Ti­namaan ito at unti-unting bumagsak.

Nasaksihan din pala iyon ni Princess. Kahit pagod na pagod at hirap na hirap, na­pasigaw siya sa nangyari sa ina.

“Inaaay! Inaaaay!”

Nagmulat din si Precious at nakita ang nangyari. Na­pasigaw din si Precious.

“Inaaaay!’’

(Itutuloy)

 

vuukle comment

ABU SAYYAF

DAPA

DIANA

DIEGO

MAM

MAM DIANA

NANG

PRECIOUS

PRINCESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with