^

Punto Mo

Manong (171)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“P ERO gaya nga nang nasabi ko sa’yo Jo, hindi pa rin ako ganap na maligaya kahit maraming-marami nang pera. May kulang pa. Hindi pera lang ang nakapagbibigay ng kasiyahan sa buhay. Mas magiging ma­ligaya ako kung mapapatawad at makakapiling ang mga anak ko. Kapag nangyari iyon, maligaya na akong mamamatay…” sabi ni Diana at muling namasa ng luha ang gilid ng mga mata.

Sa pagkakataong iyon ay nadama ni Jo ang matinding pagnanais ni Diana na makapiling ang mga anak na sina Princess at Precious. Walang kaplastikan sa boses nito. Talagang gusto nang makita at mayakap ang dalawang anak.

“Huwag ka pong mag-alala, Mam Diana at ako ang bahala. Nakikita ko po ang matindi mong pagnanais na makita at mayakap sina Princess. Ako na po ang nagsasabi ngayon pa lamang na mapapatawad ka at magkakapiling kayong mag-iina.’’

Nagkaroon ng kislap at sigla ang mga mata ni Diana. Para bang nabuhay ang aandap-andap na sindi ng pag-asa.

“Salamat Jo. Maraming salamat sa’yo.’’

“Ako po ang bahalang umisip nang paraan para kayo magkalapit na mag-iina.’’

“Napakabuti mo Jo. Talagang hindi nagkamali si Princess.’’

“Salamat din po sa papuri.’’

“Siyanga pala, ano ang itsura nina Princess at Precious?”

“Napakaganda po nila. Kahawig mo po. Si Precious po, pang-beauty contest ang dating. Matangkad po siya at tipong pang-modelo ang tindig.”

“Talaga. Lalo kong na-miss ang dalawa.’’

“Bukas po ay uuwi na ako sa probinsiya. Kasi sabi ko kay Princess, sandali lang ako rito. Pero nasabi ko na sa kanya minsan na mayroong isang babae na tila sumusubaybay sa akin at ikaw nga po yun. Pero hindi po siya naghihinala na ikaw ang sumusubaybay sa akin.’’

“Paano kami magkikitang mag-iina?”

“Ako po ang bahala. Kukunin ko ang cell number mo at magtawagan tayo.’’

“Sige Jo. Sana magtagumpay tayo. Sabik na sabik na ako kina Princess at Precious. Gusto ko na silang yakapin.’’

“Mangyayari po ang wish mo.’’

“At alam mo, Jo, lahat nang ari-arian ko ay ipamamana sa kanila. Gusto ko, makabawi sa pagkukulang sa kanila. Ibibigay ko lahat ang kailangan nila.’’

“Napakasuwerte nina Princess at Precious.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

BUKAS

MAM DIANA

PERO

PRINCESS

SALAMAT JO

SI PRECIOUS

SIGE JO

TALAGANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with