^

Punto Mo

NBP na naman!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nalagay na naman kahapon sa kontrobersiya ang New Bilibid Prison (NBP) matapos ang naganap na pagsabog sa maximum security compound kung saan isang bilanggo ang iniulat na nasawi habang 19 pa ang sugatan at dalawa sa mga ito ang nasa kritikal na kalagayan.

Hindi pa malinaw kung sinadya o aksidente ang naganap na pagsabog na base sa inisyal na ulat ay isang MK-2 fragmentation grenade.

Sumentro ang pagsabog sa gate ng Building 5 Delta ng maximum compound kung saan nakapiit ang mga miyembro ng Commando gang.

Ke sinadya o aksidente ang nangyaring pagsabog, ang muling malaking tanong dito eh paano nga bang  naipasok sa loob ang ganitong mga pampasabog.

Ibig din lang sabihin , meron pa ring ganitong mga armas at pasabog sa loob sa kabila ng mga isinagawa nang raid ng mga awtoridad.

Sa paunang ulat, lumalabas na gang war ang motibo sa insidente.

Naganap ang pagsabog, matapos ang isinagawang pagsalakay dito ng mga awtoridad kamakailan.

Sa isinagawang imbentaryo pa rin kahapon, matapos ang serye ng  pagsalakay sa mga kubol ng mga bilanggo dito,  abay, sangkaterbang matataas na kalibre ng baril, mga bala, pasabog at iba pang deadly weapons pala ang nasamsam.

Isama pa ang mga malalaking halaga ng cash na nakuha sa kubol ng mga high- profile inmate na nasentensiyahan sa kaso ng ilegal na droga.

Mukhang tumatagal ang isinasagawang pagbusisi o imbestigasyon ng NBI sa nabulgar na kontrobersiyang ito sa piitan. Hindi nga ba’t matapos mabulgar ang magarbong pamumuhay ng ilang preso dito eh tumindi na ang panawagan para sa top to bottom revamp sa buong Bureau of Corrections.

Sa naganap na pagsabog kahapon, inaasahan na mas titindi pa ang kaguluhan dahil sa posibleng pagganti ng ibat-ibang gang.

Ito ang dapat na matinding tutukan at mabantayan, para panibagong kaguluhan eh maiwasan. 

vuukle comment

BUREAU OF CORRECTIONS

IBIG

ISAMA

KE

MUKHANG

NAGANAP

NALAGAY

NEW BILIBID PRISON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with