^

Punto Mo

Manong Wen (144)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BAKIT ka sumi­gaw?” tanong ni Princess sa isang dalagita.

“May daga po Ate Princess. Ang laki. Dumaan sa mga paa ko.”

“Akala ko ay napaano ka na.’’

“Nagulat po ako Ate!”

“Sige magpatuloy tayo sa paglalakad. Palagay ko ang natatanaw nating iyon sa dulo ang Legarda exit.”

“Palagay ko nga po Ate,” sabi ni Britney na nasa likuran niya. “Narinig ko po sa hayop na si Chester, kapag ma­lapit nang marating ang exit, may mga liwanag na makikita.’’

“Kung ga­yon ay malapit na tayo. Ang tanong ay wala kayang mga ta­uhan si Chester na nag-aabang diyan. Baka paglabas natin, pagbabarilin tayo.’’

“Iyan din po ang nasa isip ko, Ate. Baka may nag-aabang na sa atin.’’

“Narinig mo ba kung ano ang hitsura ng lalabasan natin, Britney?”

“Hindi po nasabi kung ano ang hitsura pero ang narinig ang exit ng lagusan ay nasa loob din ng bahay.’’

“Bahay nino?’’

“Hindi ko po alam. Basta bahay daw po na nakatirik sa Legarda St.’’

Napatango na lang si Princess. Kung anumang klase ng exit iyon, bahala na! Basta ang mahalaga ay makarating at makalabas sila. Kailangang makalaya na sila. Pakiramdam niya, hindi na sila makahinga. Parang nauubusan na sila ng hangin. Iyon siguro ang dahilan kaya parang lambot na lambot ang mga dalagita. Parang kinakapos na sila ng hininga. Kailangang matapos na ang paghihirap nila at lalo ang mga dalagitang kasama niya.

Samantala, eksakto sa pagsasara nang malaking pinto ay nakalusot si Jo.

“Ooppss!”

Kung nahuli pa siya ng isang segundo, hindi na siya makakalabas sapagkat ang pinto ay may mga kumbinasyong numero para mabuksan. Nakahinga nang maluwag si Jo nang makalabas. Kinabahan siya sa ginawang paghabol sa nagsasarang pinto. Ga-buhok na lang!

Pagkaraan ay mabilis siyang nagtatakbo. Ka­ilangang abutan niya sina Princess.

Walang puknat na pagtakbo ang ginawa niya.

Hanggang sa ma­katanaw siya ng mga tao sa tinutumbok na direksiyon. Pawang mga babae! Iyon na nga yata sina Princess.

Lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo.

Nang inaakala niyang malapit na siya sa mga babae ay sumigaw siya. “PRINCESSSSS! PRINCESSSSS!”

Umalingawngaw ang boses niya. Ma­lakas. Nag-echo.

(Itutuloy)

vuukle comment

ATE PRINCESS

BRITNEY

IYON

KAILANGANG

LEGARDA ST.

NARINIG

PALAGAY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with