^

Punto Mo

Manong Wen (112)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

D ALAWANG police cars ang dumating. Bumaba ang mga pulis. Anim lahat sila. Lumapit ang pinaka-hepe kina Princess. Mukhang mabait ang hepe. Maayos magtanong kay Princess.

“Mawalang galang na po, nireport po sa amin na isang estudyante ang kinidnap. Isinakay daw sa van at dadalhin sa Maynila.’’

“Opo Sir. Kinidnap po nila ang kapatid ko!” sabi ni Princess. “Ang mga tao pong ito ang kumidnap!’’ Itinuro ang dalawang nakatali sa punong niyog na maraming hantik.

Tiningnan ng hepe. Kinikilala ang dalawa.

“Aba mga wanted ito ah! Nasa gallery ng wanted persons ang mga ito. Ma­tagal nang hinahanap ang mga ito. May reward na nga ang mga ito.’’

“Nahuli po namin sila. Pinagtulungan po namin ng nobyo kong si Jo ang paghuli sa mga criminal na ito.’’

“Pinahanga n’yo akong dalawa sa paghuli sa mga criminal na ito. Napaka­tapang n’yo! Alam n’yo bang mga armado ito? Mga gunrunners din ang mga ito. Teka at iparerekisa ko ang van,” sabi at inatasan ang mga pulis na halughugin ang van.

Makalipas ang ilang minuto, nakakuha nang maraming baril ang mga pulis.

“O sabi na nga ba. Delikado ang mga ito! Pina­hanga n’yo ako. Ang tatapang n’yo, Princess at Jo. Saludo ako.’’

“Arnis lang po ang ipinanlaban namin sa mga ito.’’

“Okey nasolb ang problema dahil sa inyo. Sige dadalhin na namin ang mga criminal na ito at saka ang van. Sumama na rin kayo para makapaghain ng reklamo. At palagay ko kayo ang tatanggap ng rewards.’’

Hindi makapaniwala sina Princess at Jo.

Sumama na sila sa mga pulis.

Pero habang nagla­lakbay sila patungong police headquarters may binulong si Princess kay Jo: Hanapin natin ang hayop na si Chester!

Tumango si Jo.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

BUMABA

DELIKADO

HANAPIN

ISINAKAY

OPO SIR. KINIDNAP

SUMAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with